filipino,
Pagsapit ng malamig na umaga’y nakagisnan ko na
Patayin ang maingay na alarma’t ayusin ang magulong kama
Bumangon, maligo, at kumain ng mainit na hain ni Mama
Sabay labas ng bahay at magpaalam kay Papa
Pedicab ang aking unang sinasakyan
Paakyat sa tuktok ng aming malubak na kalsadahan
Doon nag-aabang kapwa ko mga pasaherong nag-uunahan
Kay Manong Ikot kahit na siya’y wala namang laman
Pagdating sa babaan ay lalakad nang dali-dali
Hanggang masilayan ang aming matayog na paaralang tila bumabati
Papasok sa loob at ngingiti sa mga aligagang kawani
Sa aming silid, susubukang umidlip kahit na kaunti
Biglang mapuputol ang himbing dahil mag-uumpisa na
Ang seremonya naming kay tagal nang ginagawa
Ito ang nagsisilbing hudyat ng panibagong simula
Para sa bawat mag-aaral, guro, at iba pa na matuto’t magkasama
Halos walong oras ang ginugugol namin sa pag-aaral araw-araw
Pagkatapos nito, kanya-kanyang hanap na ng pantawid-gutom at uhaw
Ang ilan sa amin ay pupunta sa kantina upang bumili ng matamis na palitaw
Habang ang iba naman ay sa mga tindahan sa labas nakadungaw
Pagkakuha ng mga binili ay pipili na kami ng tambayan
Minsan sa payapang pasilyo, madalas sa batong upuan
Magtutugtugan, magkukuwentuhan, at mag-iiyakan
Hanggang sa dumilim na ang kalangitan at ‘saka mag-uwian
Ngunit hindi ko inaakalang iyon na pala ang huli
Kung alam ko lang sana’y pinahaba ko pa ang gabi
Upang makasama ang lahat sa huling mga sandali
Kailan kaya magkikita ang bawat isa sa atin muli?
Literary: Kailan kaya muli

0 comments: