filipino,
Kapiling ng dalampasigan,
nakamasid sa mga umiindak na alon,
tanaw ko ang agos na walang-katapusan,
mga mananayaw sa dapit-hapon
Walang-humpay ang pag-indayog
ng tubig sa init ng baybayin,
Ito ang sinaunang pag-iirog:
puti at bughaw -- pag-iisahin
Sa bawat pagyakap sa’kin ng dagat,
sa buong dibdib ko’y ramdam kita
Kada pag-indak ng tubig-alat
pinapaalala’y kasayaw kita
Sa bawat bulong ng mga alon
naririnig ko ang boses mo
Sa paghinga ko’y ito ang rason:
ang pangako ng ikaw at ako
Ang lamig ng dagat sa umaga
ginigising ang aking katawan;
pinupuno ako ng sigla’t aruga,
aking luha’t pighati ay pinapasan
Aking balikat ay marahang hinihimas,
balat ko’y lunod sa maingat na haplos
Pamilyar na lambing na walang-kupas,
pag-ibig na kasintapang ng milyong unos
Dama ko ang ginhawang dala nito,
na pwede pa kitang yakapin --
dahil walang araw na ‘di nagtagpo
ang dagat at ang buhangin
Kapiling ng dalampasigan,
alam kong hindi ako nag-iisa
Isinasayaw pa rin kita, sinta,
kahit lamang ang iyong alaala
Literary: Sa Dalampasigan
Kapiling ng dalampasigan,
nakamasid sa mga umiindak na alon,
tanaw ko ang agos na walang-katapusan,
mga mananayaw sa dapit-hapon
Walang-humpay ang pag-indayog
ng tubig sa init ng baybayin,
Ito ang sinaunang pag-iirog:
puti at bughaw -- pag-iisahin
Sa bawat pagyakap sa’kin ng dagat,
sa buong dibdib ko’y ramdam kita
Kada pag-indak ng tubig-alat
pinapaalala’y kasayaw kita
Sa bawat bulong ng mga alon
naririnig ko ang boses mo
Sa paghinga ko’y ito ang rason:
ang pangako ng ikaw at ako
Ang lamig ng dagat sa umaga
ginigising ang aking katawan;
pinupuno ako ng sigla’t aruga,
aking luha’t pighati ay pinapasan
Aking balikat ay marahang hinihimas,
balat ko’y lunod sa maingat na haplos
Pamilyar na lambing na walang-kupas,
pag-ibig na kasintapang ng milyong unos
Dama ko ang ginhawang dala nito,
na pwede pa kitang yakapin --
dahil walang araw na ‘di nagtagpo
ang dagat at ang buhangin
Kapiling ng dalampasigan,
alam kong hindi ako nag-iisa
Isinasayaw pa rin kita, sinta,
kahit lamang ang iyong alaala
0 comments: