filipino,

Literary: Isang Daang Salita ng Kahapon

4/28/2021 06:06:00 PM Media Center 0 Comments




Sa paglalakbay patungo sa hinaharap, hindi ko maiwasang sulyapan ang kahapon. Sa bawat hakbang, ‘di pa rin mawari sa isip kung saan nagkulang. Mga pagkakataong nasayang, patuloy na pinanghihinayangan. Pagod na sa katatanong kung bakit. Bakit ito nangyari sa akin? Bakit lahat ng pagsubok ay dapat kong harapin? Sa paglalakbay patungo sa hinaharap, aking napagtantong hindi lahat ng problema ay dapat akuing mag-isa. Maaaring huminto at magpahinga. Bigyang halaga at unahin ang sarili bago ang iba. Kasabay sa pagpapatawad ng sarili, patawarin din ang iba. Matuto sa pagkakamali ng nakaraan. Sa paglipas ng oras, maghihilom din ang sugat ng nakaraan.

You Might Also Like

0 comments: