english,

Literary: Darating din

6/11/2021 07:16:00 PM Media Center 0 Comments





Darating pa ba ang araw na babalik sa dati ang buhay?
Darating pa ba ang araw na makikita na ulit natin ang isa’t isa?
Darating pa ba ang araw na makakalabas muli tayo nang walang takot?

Ang hirap maging masaya sa ganitong panahon,
kung kailan libo-libo ang may sakit, at ‘di mabilang ang nagugutom,
habang nanonood lamang ang dapat na tumutulong.

Parang gusto mo na lang makalimot at pumikit.
Pero ito’y mumunting paalala para sa akin at sa’yo,
na huwag mong tatalikuran ang mundo.

Kabi-kabila man ang problema sa paligid,
at tila ang pag-unlad ay puno ng balakid,
huwag mong tatalikuran ang mundo.

Hangga’t may natitirang lumalaban
para sa lipunang walang kagutuman at kahirapan,
pag-asa ay mananatiling nandyan.

Bawat araw man ay tila laging makulimlim,
laging alalahaning matapos ang bawat gabing kay dilim,
Darating ang umagang puno ng pagkakataon.

Mga pagkakataong hindi dapat sayangin,
angkinin natin ang kapangyarihang nakapaloob sa bawat isa sa atin.
Gamitin mo ang iyong lakas para sa mas magandang bukas.

Mayroong pag-asa hangga’t nabubuhay tayo.
Kaya ito ay mumunting paalala para sa akin at sa iyo,
na huwag mong tatalikuran ang mundo.

Marahil ‘di na muling manunumbalik ang dating buhay natin
dahil mas magandang hinaharap na ang naghihintay sa atin.
Darating din.


You Might Also Like

0 comments: