filipino,
Matagal ko nang iniisip
Ano kaya ang amoy ng hinaharap?
Hindi ko masyadong gusto ang amoy ng kasalukuyan
Umaalingasaw ang mabantot na amoy ng kasakiman
Maaamoy rin naman ang samyo ng bayanihan,
Sana lang mas naging lamang ang pagtutulungan.
Sa hinaharap siguro
Lalamang ang tamis at sarap ng bayanihan
'Sing sarap siguro ng nilulutong Kare-kare
Ang magiging amoy ng hinaharap
May linamnam na kikiliti sa sikmura kapag nalanghap
Yung tipong napapangiti ka
Kahit sa unang langhap pa lang
Pero kahit masarap ang amoy ng kare-kare,
Hindi ito kumpleto kung walang bagoong
Kahit may lansa itong nakakapagpangiwi,
Walang 'sing sarap kapag hinalo sa ganitong ulam
Ngayong iniisip ko na,
Parang magiging ganoon rin naman pala
Ang magiging amoy ng hinaharap,
Baka pareho lang
Tignan lang dapat sa positibong paraan
Gaya ng Kare-kare,
Ang buhay ay hindi puro halimuyak ng masarap na ulam,
Kailangan rin ang malansang na amoy ng problema
Upang matikman ang kumpletong sarap
Literary: Ulam

0 comments: