found poem,

Para sa #MC2021: Uuwi Pa Rin

6/11/2021 07:29:00 PM Media Center 0 Comments




Bakit lahat ng bagay ay may katapusan?
Napapaisip ako kung bakit ko ba ito kailangang maranasan.
Tapos na ang ating kwento,
Tapos na ang ating dula.

Inaalala ang mga bawat sandali.
Tatlong bahay ang nilipatan sa loob ng labintatlong taon.
Maraming alaala ang nailagay sa dating walang lamang kahon
Para sa akin napakahalaga ng lugar na ito
Magkakasama sa lungkot at ligaya, ehemplo ang bawat isa.
Paikot-ikot, para tayong mga gulong
...may tulala, tahimik, umiiyak, nakangiti, nagtatawanan, nagdadalamhati, at galit.

Humakbang palabas ng silid
Ginabayan ng nakabibighani mong ngiti
Habang tumatagal,

Lumalayo ako sa realidad
Natatakot sa paraisong balang-araw makasanayan
At
sa gitna ng dilim at lungkot ng gabi, naroon siyang nakaupo
Natatakot sa paraisong balang-araw makasanayan
At aking na
datnan ang katahimikan sa siyudad
At sa gitna ng dilim at lungkot ng gabi, naroon siyang nakaupo.
At
kapag wala ka nang maramdaman kundi galit, nagsisilbi itong gasolina
Katatagpuin natin ang mga bituin

Habambuhay, ating pagkahabi ang pipiliin
Yakap ng bahay ay hindi mapapantayan.
Sa pagbuhos ng mga bagyo’t ulan,
Nanatiling matatag mula sa kinatatayuan.
...dito ako dinala
Ng aking sariling mga paa
“Kahit saan tumungo, ako’y uuwi pa rin.”

 

━MC2022

You Might Also Like

0 comments: