filipino,

Literary: Malaya

6/11/2021 06:52:00 PM Media Center 0 Comments





Kung mga plano para sa kinabukasan ko na ang usapan,
Wala ka na sa kuwentong iyon.
Iniwan na kita sa aking nakaraan
At pinilit kalimutan.

Ngunit hindi lahat ay nagtatapos sa isang paalam
Maaring dito magsimula ang bagong yugto
Isang hudyat upang bitawan ang kahapon
At magsimula ng bagong kwento

Ito ang naging desisyon ko noong araw na iyon
Nang bitiwan ko ang mga katagang tatapos ng lahat
“Paalam, hanggang dito na lang”
Ang pusong napagod, nalantang pagmamahal

Natapos ang isang kabanata ng libro
Kung saan mahal kita at mahal mo ako
Ngunit nagsimula naman ang bagong pahina
Kung saan, sa wakas, mahal ko naman ang sarili ko.

Nakakapanibago mang harapin ang bagong umaga
Nang wala ka sa aking tabi
Nagpapasalamat naman ako
Natuto akong tumayo sa sariling mga paa

Ang hinaharap ay walang kasiguraduhan
Ngunit hindi ako natatakot harapin ito’t labanan
Mag-isa at malaya ang puso
At sarili lamang ang inaasahan

You Might Also Like

0 comments: