filipino,
Tulad ni'yo, isa lang din akong normal na taong nagbabakasakali, nag-aasam ng tunay na pagmamahal ng taong nakalaan para sa akin.
Nag-umpisa ang kwento natin sa tipikal na batian. Kamusta, magandang araw, ang mga naging palitan. No’ng una nahihiya pa ako, hindi ko kasi alam kung paano ba 'to o karapat-dapat ba ‘ko. Ang sabi ko sa’yo humanap ka na lang ng ibang tao, pero ang sabi mo wala kang makitang gaya ko. Kinilig? Malamang. Sino ba namang hindi 'pag narinig yun, lalo na kapag naranasan nila yung mga galawan mo no'ng mga sumunod na linggo.
[Pangangamusta]
Nakahiga pa lang ako sa kama, sigaw na nang sigaw ang telepono ko dahil tadtad na ng mga pangangamusta mo. Pero pasensya hindi ko muna masasagot kasi gabi pa sa mundo ko. Itutuloy dapat muli ang pagtulog kaso tumunog na naman ang telepono ko. Nainis kasi kulang pa sa pahinga pero nang marinig ko ang boses mo, ginanahan na ‘kong bumangon bigla. Salamangkero ka ba ha? Kasi kung oo, tumalab ang mahika mo.
Ikaw: "Kumain ka na ba?"
Sagot ko hindi pa.
Ikaw: “Sige kain ka na.
Pero usap pa rin tayo, ayos lang ba?”
Syempre oo si ako, papakipot pa ba?
[Usapan]
Habang kumakain ako, ikaw naman ‘tong si puro tanong. Pero syempre hindi puwedeng ikaw lang ‘tong chismoso sa ‘ting dalawa. "Salitan dapat," kako.
Ako: “2003.”
Ikaw: “Ako rin.”
Ikaw: “Iskul mo?”
Ako: “Dito sa Maynila.”
Ikaw: “Layo pala."
Ako: "Hmm, oo."
Ikaw: "Pero kaya kita puntahan d’yan kung... gusto mo."
Alam kong nagbibiro ka lang no'n, panigurado.
Pero ba't may bumubulong sa akin na iba na 'to?
[Pagbuo ng tula]
Saglit akong nagpaalam sa’yo para maghugas ng pinggan. Pumayag ka naman. Pagkakuha ko ulit ng telepono, agad akong nagpadala sa’yo ng mensahe. Sumagot ka agad. “Bakit parang 'di ka mapakali?” tanong sa sarili ko. Ah, alam ko na.
Ikaw: "Gawa tayo tula, gusto mo?"
Bukod sa pagiging salamangkero at chismoso, manunulat ka rin pala. Grabe, ikaw na ang pinagpala sa lahat!
Ako: "Anong tema? Tungkol saan?"
Ikaw: "Ikaw bahala."
Ako: "Maganda yung...araw at buwan."
At ‘yon na nga, tuloy-tuloy na tayo sa pagsulat. Tinitingnan kung sapat na ang mga salita sa bawat taludtod, at pinakikinggan kung ang bawat pantig ay nakabubuo na ng magandang ritmo. Natagalan man ang proseso, sulit naman ang ating nabuo.
[Pagsabay sa paggawa]
Pagkatapos ng tula natin, tinanong mo ko kung may gagawin pa ba 'ko. “Meron, mga gawain sa iskul.” Ikaw rin may gagawin no’n, kaya imbes na ibaba ang telepono, itinabi ko sa akin at nagsabay tayong gumawa habang pinagpapatuloy ang ating pagiging chismoso. Hindi gaya kanina, mas malalim ang naging usapan natin ngayon. Nangako kang ‘di mo sasabihin sa iba ang mga sinabi ko, at ganun din naman ako sa mga sinabi mo.
[Pagpapatugtog at pagkanta]
Nang magawa na lahat ng kailangan, humiga na tayo sa mga sarili nating kama. Natulog na ba tayo kaagad? Hindi pa. Nakinig pa tayo sa mga kanta no’n, puyat kung puyat. Mga OPM ang pinatugtog mo, tapos may isang kantang Hapon na bago lang sa akin pero sobrang nagandahan ako. Natuwa ka na nagustuhan ko kasi yun din pala ang paborito mo. Sunod nun, nakinig pa tayo ng ibang musika, hanggang sa ikaw na mismo ang umawit sa kanila.
...
Napakaganda ng pagkakaawit mo. Para bang...napunta ako sa isang lugar na walang katao-tao. Malapit sa dagat yung lugar. Mahangin, malamig, at maaraw pero hindi nakakapaso, sakto lang. Lumapit pa ‘ko sa tanaw kong dagat para magtampisaw. Ramdam ko yung pagtama ng bawat alon sa aking balat, para bang yung boses mong tagos na tagos sa damdamin ko. Ang sarap, ang payapa, at ang saya.
Ikaw: “Nand’yan ka pa ba?”
Ako: “Ah...‘andito pa.”
Ikaw: “Matutulog ka na ba?”
Ako: “Hmm, oo.”
Ikaw: “Sige, bukas ulit. Tulog ka na.”
Ako: “Ikaw rin.”
Umoo ako pero ang totoo n’yan hindi pa talaga ako natulog no’n kasi napaisip ako bigla. 'Di ko pa naikukuwento 'to sa’yo pero dati pa ay nakasanayan ko nang maglakad-lakad sa labas ng bahay namin tuwing umaga at kapag napagod, uupo na muna sa tabi-tabi. Pagkaupo, titingin ako sa langit, matutuwa sa bilog na buwan at sa mga kumikinang na mga bituin. Dahil walang kausap, sila ang kakausapin ko at tatanungin kung:
“May kasabay ba 'ko ngayon na nakatingin din sa inyo?”
Wala silang sinabi pero pinaramdam nila sa ‘kin na mayro’n, at yung taong yun yung makakasama ko sa hinaharap. Pero parang nakilala ko na nga eh, ikaw. Dahil sa mga ginawa natin, mo pala, naramdaman ko yung pagiging natatangi ko mula sa iba. Ipinaramdam mo na tanggap mo ‘ko, na gusto mo ‘ko, na talagang may inilaan ang Diyos para sa akin. Wala, nakakatuwa lang isipin na ang isang tulad ko ay makararanas din ng pag-ibig.
Pagkagising, bumangon na ako at naghilamos. Habang nagpupunas ng mukha, napansin kong wala ka pa palang mensaheng ipinadala. Tulog ka pa ata. Sinubukan kitang tawagan para magising ka, tagal din no'n ha. Nakakuha na ‘ko ng pagkain, nakapunta na sa lamesa ko, at nakapagbukas na ng kompyuter. Ilang oras pa ang lumipas, wala pa rin akong natanggap na sagot mula sa'yo. Kahit gusto ko, 'di ko magawa ang mga natitira ko pang gawain sa iskul kasi hinihintay pa talaga kita. Umabot sa puntong nakinig na lang ako nung paborito mong kanta, at tuluyan na ngang nakatulog mag-isa.
Nagising ulit, gabi na. Una kong tiningnan ‘yung telepono ko. 'Yon! May berdeng bilog na sa tabi mo, senyales na gising ka na. Pinadalhan kita ng mensahe at hinintay ang sagot mo.
...
...
Bakit wala kang sagot?
Sinubukan kitang tawagan ulit.
...
Wala ka pa ring sagot...
Nagdaan pa ang ilang mga araw, wala na 'kong naging balita sa'yo. Nakita kong gising ka, pero parang hanging napadaan lang ata ako sa'yo. Hindi naman ako nanaginip nang matagal, 'di ba? Totoo naman yung mga nangyari sa 'ting dalawa, 'di ba?
Nagtampo ako sa’yo kasi akala ko...akala ko totoo ‘yon. Sabagay, ba't naman kasi ako nakinig sa isang bulong na hindi naman mismo nanggaling sa’yo. Pero ano ba kasing rason ng pagkawala mo? Paano na yung...sabi mong gagawa pa tayo ng isang tula? Pa'no na yung pag-uusap natin? Paano na yung pakikinig natin sa mga kanta tuwing gabi? At yung mga kamustahan natin tuwing umaga, wala na ba talaga yun?
....
Tumagal pa ang paghihintay ko at napagod na 'ko. Binura ko yung usapan natin. Binura ko yung mga larawan natin. Sinubukang kalimutan ka na kasi ba naman, posible ko bang maaabutan yung taong tumatakbo papalayo? Hindi na ‘di ba?
Pero alam mo, kahit na gan'to ang nangyari, pinanghahawakan ko pa rin yung isang usapan natin na sa kolehiyo, dahil pareho tayo ng papasukan, ay hahanapin natin ang isa't isa. Hindi ko alam yung pinakarason kung bakit sa kabila ng pag-iwan mo nang walang pasabi ay gusto pa rin kitang makita. Siguro para...para manghingi lang ng sagot, ewan. Pero yun, kung sakali man na pagtagpuin muli tayo ng buwan at mga bituin sa langit, siguro makakalimutan ko naman na rin yung tampo ko sa'yo, at sabay na lang nating tatawanan ang mga naganap sa atin noon. Kapag nangyari yun, sana ayos lang sa'yo na maging magkaibigan 'uli tayo kasi sa akin, ayos lang din yun, basta makasama ko yung taong nagpasaya sa akin kahit na hindi siya ang nakatadhanang maging kapares ko...
Literary: Berdeng bilog

0 comments: