chapter 5,
Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
Natalie,
Magandang hapon ulit. Gusto ko lang ipaalam sa ‘yo na wala namang hard feelings. Tanggap ko naman. Buti na rin at harapan mong sinabi sa akin na NO. Maging masaya ka sana sa prom.
Huwag mong kalimutang babantayan ko pa rin ang mga kilos mo, miss Natalie. Baka kung anong kababalaghan na naman ang gawin mo doon.
Manuel
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Manueeeeeeeeeel :)
May sasabihin ako sa yooooooo! :) Alam mo ba kung bakit bawal nang dumaan sa admin building pag wala kang dalang basahan? Malamang naabutan mong galit na galit si Ma’am Ruph kasi nasalubong kita nang palabas ako ng building. Alam mo ba kung bakit siya nagalit? Alam kong gusto mong malaman….. Kaseeeeeee… wala, dumaan lang naman ako. Siguro nga medyo dirty and maputik yung feet ko kaya nadumihan yung sahig. Eh kasi ayoko namang balutan ng plastic ang maganda kong shoes para lang makadaan don. So baduy!
Alam ko naman susulatan mo na naman ako. Masyado ka kasing papansin sa ‘kin. Kaya inuunahan na kita. Sooooooorry pooooooooo. :)
Natalie
Manuel,
Uy na-miss ko ‘to! NAPAKASAYANG GUMAWA NG VIOLATION. Haha! Dalawang gate na pala ang isinara sa school! Hindi ko narinig kahapon kasi alam mo na, late na naman ako sa flag ceremony.
Alam mo bang feeling ko ako na naman ang dahilan kung bakit bawal nang dumaan doon? May sinagi kasi ako na joke-joke lang. Eh ang lampa niya, lumusot tuloy ‘yung paa sa hagdan. TSK. TSK. Kawawang bata. Ayan, nakasaklay siya ngayon. :p haha!
Ano ngayon ang plano mong gawin bilang Mr. KA President? Papagalitan mo ba ‘ko? Huhulihin? Sesermonan? Susulatan? :)
Natalie
P.S. Parang nagke-crave ako ng Rodic’s. Makabili nga mamayang lunch. Ano kayang bagong ninja moves ang gagawin ko para makalusot kay Kuya guard? Gusto mo ba? Bibilhan kita. :p
Okay lang wag ka na mahiya alam ko namang gusto mo. :)
Manuel,
Hello? Hello? Hello? Uso po sumagot. Wala ka na bang masabi? Sawa ka na bang manaway o manermon? O baka hindi mo nagegets na sobrang dami ko nang violation, dapat sa mga panahong ito ay napatawag na ang parents ko. Gusto mo ba ng stacked bar graph para ma-realize mo kung gaano kadalas akong magbreak ng rules?
Eh baka naman wala ka nang papel. Puwes naglagay ako ng isang buong pad sa locker mo. Iniwan ko rin ang purple kong ballpen. Para malaman mo, favorite ko kaya ‘yon! Wala ka nang dahilan para hindi sumagot.
Natalie
Hoy Manuel!
Excuse me! Ang OA mo na ha. Ilang araw na ang lumipas pero ‘di pa rin kita ma-gets ha. Minsan ang labo-labo mo eh. Galit ka ba? Dahil ba nung prom ‘yan? Ako na nga nagmukhang shungers nung sabado tapos ikaw pang may lakas ng loob na magpaka-chicks diyan?
Haba naman ng hair mo, mister.
Hindi na. Hindi na ulit ako susulat sa ‘yo. Bahala ka na sa buhay mo.
Bad trip,
Natalie
MANUEL!!!
Talaga bang nag-iinarte ka? Ang. Arte. Mo. Oh plis!
Tungkol ba ‘to sa prom? Ikaw nga ang hindi namamansin non. Bakit nga ba? May nagawa ba ako? Alam mo ba kung gaano ka-awkward na katable ko pa si Marco at ‘yung ka-date niya. !! Nasira na agad gabi ko nun tapos sinira mo pa lalo. Thank you talaga ha!
Assuming na kung assuming pero alam mo bang akala ko nga ako ang unang isasayaw mo nung lumapit ka sa table namin. Tapos biglang katabi ko pala yung yayayain? Ok ka lang? Nang-aasar ka ba talaga? Di ka pa nakuntento, nag-“excuse me” ka pa! Ano ka, Joaquin Manansala? Yuck! ‘Wag kang feeling. Di ka ganun ka-gwapo.
Pero sige, medyo bawi ka nung niyaya mo ako ng last dance pero gooooodness gracious! parang nagsasayaw lang ako mag-isa. Hindi ka umiimik, hindi ka nagsasalita. Nakaka speechless ba talaga ang beauty ko?
Tapos ngayon isnabero ka na bigla. Samantalang dati hinahabol-habol mo ko. Ano bang problema mo? Hindi ka ba talaga makaramdam? Ikaw kaya dito, sir, para malaman mo yung feeling!
Natalie
P.S. Sorry ha kung parang sinusumbatan kita pero sinusumbatan talaga kita. Sumbat talaga. As in.
Natalie Lorenzo,
Huwag mo sanang idahilan ang prom dito, miss Natalie. Nasabi ko na sa adviser mo ang mga violation mo at siya na ang magpapasya kung bibigyan ka niya ng pink slip dahil gaya nga ng sabi mo, wala akong karapatang magbigay ng pink slip. Muli kong inuulit sa ‘yo na ang mga patakaran sa paaralan ay dapat na sinusunod. Hindi porket niyaya kita sa prom ay magkakaroon ka na lagi ng special treatment dito. Maintindihan mo nawa ang mga pinagsasabi ko. Huwag mo na uulitin ang mga paglabag mo sa rules and regulations.
Manuel Roquito
Manuel Panget!
Sinagot ko agad ang sulat mo. Pero malamang late mo na makuha kasi, you know, lalakarin ko pa ang buong second floor at iikot pa ko ng ramp dahil sarado nga lahat ng gate. Kahit pawisan ang beauty ng fez ko, tumawid talaga ko.
At… haLUHHH si koya. Anong trip na naman ‘yan? Throwback Thursday ba? Balik tayo diyan, ha? Okay sige *Sooorrry pooooo*
Alam ko namang masama ang ugali ko. ‘Yan, inamin ko na. Masaya ka na? O, ngayon ako naman pasayahin mo at sagutin mo ang tanong ko.
Ano bang problema mo?
Natalie
Natalie Lorenzo,
Ikaw? May problema ka ba? Sulat ka kasi nang sulat. Pero malamang wala kang problema. Mukha ngang masaya pa buhay mo, eh.
Ako? Gabi-gabi kong iniisip na kung bakit sa lahat ng matitinong babae diyan, ikaw pang ipinaglihi sa sinumpang kisame ang nagustuhan ko.
Manuel Roquito
ITUTULOY.
Pusong Bato (Ikalima't Kalahating Sagutan)
Ang Pusong Bato ay kuwentong binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 2 2014 staff bilang kanilang creative writing project ngayong semestre.Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
-----
Peb. 20
2:42 n.h.
Natalie,
Magandang hapon ulit. Gusto ko lang ipaalam sa ‘yo na wala namang hard feelings. Tanggap ko naman. Buti na rin at harapan mong sinabi sa akin na NO. Maging masaya ka sana sa prom.
Huwag mong kalimutang babantayan ko pa rin ang mga kilos mo, miss Natalie. Baka kung anong kababalaghan na naman ang gawin mo doon.
Manuel
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Peb. 26
1:59 n.h.
Manueeeeeeeeeel :)
May sasabihin ako sa yooooooo! :) Alam mo ba kung bakit bawal nang dumaan sa admin building pag wala kang dalang basahan? Malamang naabutan mong galit na galit si Ma’am Ruph kasi nasalubong kita nang palabas ako ng building. Alam mo ba kung bakit siya nagalit? Alam kong gusto mong malaman….. Kaseeeeeee… wala, dumaan lang naman ako. Siguro nga medyo dirty and maputik yung feet ko kaya nadumihan yung sahig. Eh kasi ayoko namang balutan ng plastic ang maganda kong shoes para lang makadaan don. So baduy!
Alam ko naman susulatan mo na naman ako. Masyado ka kasing papansin sa ‘kin. Kaya inuunahan na kita. Sooooooorry pooooooooo. :)
Natalie
-----
Peb. 27
9:42n.u.
Manuel,
Uy na-miss ko ‘to! NAPAKASAYANG GUMAWA NG VIOLATION. Haha! Dalawang gate na pala ang isinara sa school! Hindi ko narinig kahapon kasi alam mo na, late na naman ako sa flag ceremony.
Alam mo bang feeling ko ako na naman ang dahilan kung bakit bawal nang dumaan doon? May sinagi kasi ako na joke-joke lang. Eh ang lampa niya, lumusot tuloy ‘yung paa sa hagdan. TSK. TSK. Kawawang bata. Ayan, nakasaklay siya ngayon. :p haha!
Ano ngayon ang plano mong gawin bilang Mr. KA President? Papagalitan mo ba ‘ko? Huhulihin? Sesermonan? Susulatan? :)
Natalie
P.S. Parang nagke-crave ako ng Rodic’s. Makabili nga mamayang lunch. Ano kayang bagong ninja moves ang gagawin ko para makalusot kay Kuya guard? Gusto mo ba? Bibilhan kita. :p
Okay lang wag ka na mahiya alam ko namang gusto mo. :)
-----
Peb. 27
3:00 n.h.
Manuel,
Hello? Hello? Hello? Uso po sumagot. Wala ka na bang masabi? Sawa ka na bang manaway o manermon? O baka hindi mo nagegets na sobrang dami ko nang violation, dapat sa mga panahong ito ay napatawag na ang parents ko. Gusto mo ba ng stacked bar graph para ma-realize mo kung gaano kadalas akong magbreak ng rules?
Eh baka naman wala ka nang papel. Puwes naglagay ako ng isang buong pad sa locker mo. Iniwan ko rin ang purple kong ballpen. Para malaman mo, favorite ko kaya ‘yon! Wala ka nang dahilan para hindi sumagot.
Natalie
-----
Peb. 28
8:15 n.u.
-----
Peb. 28
12:23 n.h.
Hoy Manuel!
Excuse me! Ang OA mo na ha. Ilang araw na ang lumipas pero ‘di pa rin kita ma-gets ha. Minsan ang labo-labo mo eh. Galit ka ba? Dahil ba nung prom ‘yan? Ako na nga nagmukhang shungers nung sabado tapos ikaw pang may lakas ng loob na magpaka-chicks diyan?
Haba naman ng hair mo, mister.
Hindi na. Hindi na ulit ako susulat sa ‘yo. Bahala ka na sa buhay mo.
Bad trip,
Natalie
-----
Peb. 28
1:50 n.h.
MANUEL!!!
Talaga bang nag-iinarte ka? Ang. Arte. Mo. Oh plis!
Tungkol ba ‘to sa prom? Ikaw nga ang hindi namamansin non. Bakit nga ba? May nagawa ba ako? Alam mo ba kung gaano ka-awkward na katable ko pa si Marco at ‘yung ka-date niya. !! Nasira na agad gabi ko nun tapos sinira mo pa lalo. Thank you talaga ha!
Assuming na kung assuming pero alam mo bang akala ko nga ako ang unang isasayaw mo nung lumapit ka sa table namin. Tapos biglang katabi ko pala yung yayayain? Ok ka lang? Nang-aasar ka ba talaga? Di ka pa nakuntento, nag-“excuse me” ka pa! Ano ka, Joaquin Manansala? Yuck! ‘Wag kang feeling. Di ka ganun ka-gwapo.
Pero sige, medyo bawi ka nung niyaya mo ako ng last dance pero gooooodness gracious! parang nagsasayaw lang ako mag-isa. Hindi ka umiimik, hindi ka nagsasalita. Nakaka speechless ba talaga ang beauty ko?
Tapos ngayon isnabero ka na bigla. Samantalang dati hinahabol-habol mo ko. Ano bang problema mo? Hindi ka ba talaga makaramdam? Ikaw kaya dito, sir, para malaman mo yung feeling!
Natalie
P.S. Sorry ha kung parang sinusumbatan kita pero sinusumbatan talaga kita. Sumbat talaga. As in.
-----
Peb. 28
2:45n.h
Natalie Lorenzo,
Huwag mo sanang idahilan ang prom dito, miss Natalie. Nasabi ko na sa adviser mo ang mga violation mo at siya na ang magpapasya kung bibigyan ka niya ng pink slip dahil gaya nga ng sabi mo, wala akong karapatang magbigay ng pink slip. Muli kong inuulit sa ‘yo na ang mga patakaran sa paaralan ay dapat na sinusunod. Hindi porket niyaya kita sa prom ay magkakaroon ka na lagi ng special treatment dito. Maintindihan mo nawa ang mga pinagsasabi ko. Huwag mo na uulitin ang mga paglabag mo sa rules and regulations.
Manuel Roquito
----
Peb. 28
3:25 n.h.
Manuel Panget!
Sinagot ko agad ang sulat mo. Pero malamang late mo na makuha kasi, you know, lalakarin ko pa ang buong second floor at iikot pa ko ng ramp dahil sarado nga lahat ng gate. Kahit pawisan ang beauty ng fez ko, tumawid talaga ko.
At… haLUHHH si koya. Anong trip na naman ‘yan? Throwback Thursday ba? Balik tayo diyan, ha? Okay sige *Sooorrry pooooo*
Alam ko namang masama ang ugali ko. ‘Yan, inamin ko na. Masaya ka na? O, ngayon ako naman pasayahin mo at sagutin mo ang tanong ko.
Ano bang problema mo?
Natalie
-----
Peb. 28
3:41 n.h.
Natalie Lorenzo,
Ikaw? May problema ka ba? Sulat ka kasi nang sulat. Pero malamang wala kang problema. Mukha ngang masaya pa buhay mo, eh.
Ako? Gabi-gabi kong iniisip na kung bakit sa lahat ng matitinong babae diyan, ikaw pang ipinaglihi sa sinumpang kisame ang nagustuhan ko.
Manuel Roquito
ITUTULOY.
OHMAYGULAY
ReplyDeletemaeffort si natalie dumrowing haaaaaaaaa. nageffort na nga, hindi prn pinansin!! sbi na nga ba sakin lang dapat si manuel <3
ReplyDeletebye natalie lorenzo. ako nalang manueeeeeel mygod tititig din ako sa kisame kung gusto mo huhuhu.
ReplyDeleteSana pinaglihi na lang rin ako sa sinumpang kisame
ReplyDeletemas magaling ako gumawa ng graph manuel! hindi parang bata!
ReplyDeleteManuel sasaktan ka lang niyan. Ako na lang. Di lang kita sa rodic's ililibre. Vikings pa
ReplyDeletePinaglihi rin ako sa sinumpang kisame... with matching anay pa :))) Ako na lang Manuel :((
ReplyDeleteTapos na ang G2B... Hello Pusong Bato <3 <3 <3
ReplyDelete