chapter 6,
Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
ITUTULOY.
Pusong Bato (Ikaanim na Sagutan)
Ang Pusong Bato ay kuwentong binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 2 2014 staff bilang kanilang creative writing project ngayong semestre.Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
-----
Mar. 4
9:42 n.u
Manuel,
Oo, may problema ako, at hindi ko na kailangan pang ilista at sabihin sa’yo dahil mukha namang wala kang pakialam. Paano mo naman nasabi na masaya na ako sa buhay ko? Pwede ‘wag kang masyadong assuming, dahil hindi mo naman alam yung totoong nararamdaman ko, ser.
Hindi ko naman hiniling sa’yo na ako ang magustuhan mo. Higit sa lahat, aminin mo man o hindi, alam naman nating pareho na naawa ka lang sa akin kaya mo ako niyaya nung prom. I’m right, right? Kaya kung awa lang yan, hindi ko kailangan niyan.
Natalie
-----
Mar. 4
3:32 n.h
Natalie,
Magandang hapon. Gusto ko lang mag… Hihingi sana ako ng patawad, tungkol dun sa nangyari last time. Alam kong napaka-unprofessional ng mga pinaggagagawa ko.Siguro apektado nga rin talaga ako noong mga pangyayari sa prom. Totoo namang walang hard feelings noong tumanggi ka. Oo, aaminin kong medyo masakit ma-reject pero tinanggap ko naman. Nadagdagan lang ng sama ng loob nung makita kong ka-table mo pa si Marco. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman noon. Magagalit, masasaktan, maiinis, magseselos… Lahat ng emosyon na wala naman akong karapatang ipakita. Humantong lahat ng iyon sa mahabang katahimikan.
At… tungkol sa huling sulat ko, huwag mo naman sanang isipin na naaawa lang ako sa ‘yo. Hindi mo ba kayang tanggapin ang posibilidad na magustuhan ko talaga ang isang tulad mo? Hindi kita sinisisi, hindi ko rin naman gustong magbago ka. Ang totoo, ikaw talaga ang yayayain kong maging prom date ko pero nauna kang magsabi na si Marco ang gusto mong ka-date. Hindi ba naghanda ka pa ng promposal para sa kanya? Mukha namang masayang-masaya ka sa plano mo kaya naisip kong ‘wag ka nang yayain.
Kaya kong patunayan na gusto talaga kita kung papayag ka. Papayag ka ba?
Manuel
-----
Mar. 4
4:55 n.h
HOY MANUEL
Bading! Sige na, okay na ‘yan! Apology accepted. Kawawa ka naman e, baka lumuhod-luhod ka pa bigla next time.
Isa pa, ser, oo wala ka talagang karapatan. Kaya huwag mo naman akong idamay sa kung anong ka-dramahan mo. Nakakasira kasi ng mood at kagandahan ko.
Papayag saan? Eh tapos na nga ‘yung prom di ba?
Natalie
-----
Mar. 5
9:30 n.u
Natalie,
Sana maisip mo na isa itong patunay na hindi ako naaawa sa ‘yo. Bakit? Kasi kahit medyo mabagal kang pumick-up, espesyal ka sa akin.
Manuel
Manuel
-----
Mar. 5
1:45 n.h
Manuel,
Uy alam mo ba may nakita akong lalaki sa PA Pav kaninang lunch. Katamtaman ang tangkad, balingkinitan ang katawan, may black na watch, pangit ang buhok (‘di kasi marunong magsuklay), at higit sa lahat, mukhang bitter!! May katagpo pa nga siyang babae eh. At… Nako, here’s the catch, may inabot na papel na katulad ng ibinibigay mo sa‘kin! Mukha pa ngang tuwang-tuwa sila, eh. Nakita mo rin ba ‘yun?
MALAMANG HINDI, KASI IKAW ‘YUN! Ayos ka rin, ‘no? Hihingi-hingi ka ng sorry sa mga ginawa mo sa akin noong prom tapos sasabihin mong hindi ka naaawa. Pero ano ‘tong nakita ko? May iba kang kasulatan! Baka naman iyan ang pinaggagawa mo all this time na hindi ka sumasagot sa mga sulat ko!
I DESERVE AN EXPLANATION! ‘Chooooos, haba ng buhok mooo. Huwag kang mag-feeling na nagseselos ako. Pero sige, malinaw na lahat. Akala ko creepy stalker ka lang na sumusulat sa ‘kin noon. Trabaho mo pala talagang maging sugo ng post office.
Natalie
P.S. Good luck sa inyo ni Emilie Montero. :) :)
-----
Mar. 6
10:06n.u
Natalie
Unang-una miss Natalie, sinulatan ko lang naman si miss Emilie kasi may ginawa rin siyang violation tulad mo. Oo, trabaho ko talaga ‘yun, for your information.
Pangalawa… Wala naman akong sinasabing nagseselos ka ah, hindi naman ako nag-aassume. Sa sariling bibig mo lumabas ‘yan. Baka nga totoong may pagseselos na nagaganap. Alam mo bang nahuhuli ang isda sa sarili nilang bibig. :)
May nakuha nga pala akong balita. Sa Girl’s CR sa 4th floor, isang kababalaghan ang bumulaga sa ilang estudyante. Nabalitaan mo na ba ‘yun? May nag-vandal ng “Top Ten Cheaters of the Year” sa batch. At aba, laking gulat ko na lang din nang malaman ko, number 1 pa ako. Bakit kaya? May kinalaman ka ba dun? Nakakapasok ka naman siguro sa mga girl’s CR, ‘di ba? Baka naman may napag-usapan kayong mga babae tungkol dun? Nakakapagtaka nga rin na PAREHO ang handwriting ng vandal sa mga sulat mo. HMMM… :)
Mukhang ikaw ang dapat na may ipaliwanag. Miss, paano ako naging cheater? Di ba nga sa dinami-dami ng babae diyan, IKAW LANG NATALIE.
Manuel
-----
Mar. 6
1:05 n.h
Manuel
Anong pinagsasasabi mo tungkol diyan sa vandal na ‘yan? Nabalitaan ko ‘yan pero wala ako diyan ah. Baka may hater ka lang talaga.
PERO, PERO, PERO ayan na nga ba ang sinasabi ko! May iba kang sinusulatan! Tama pala ang nakita ko. Siguro totoo nga ‘yung nasa list. Two, three, four, five timer ka ata talaga hahahahahahaha ew. Baka naman iba-iba rin ang niyaya mong ka-date sa prom? Basted ka lang siguro lagi. Harharhar :)
P.S. Hindi talaga ako nagseselos, inunahan lang kita kasi assuming ka, assuming! Panget pa.
Natalie
-----
Mar. 7
2:51 n.h
Natalie
Napakagaling mo rin naman mag-segue. Bigla-bigla ka na lang magbabagong topic. Sige hayaan mo akong mag-explain, senyorita. Para sa kaalaman mo, sumusulat talaga ako sa mga gumagawa ng violation. Hindi lang ikaw, hindi lang si Emilie, marami nang iba pa. Kahit pa lalaki, sinusulatan ko, ayon. Gawain ko iyon bilang president, kanya-kanyang paraan ‘yan.
Huwag ka naman masyadong mag-alala, Natalie. Sa dinami-daming sinulatan ko, nasisiguro ko sa ‘yo, ikaw lang ang tumagal ng isang semestre.
Ikaw lang ang sinasagot ko noon, ngayon, at sasagutin sa kinabukasan.
Manuel
-----
oh noeeesss... last chapters na ba? magkakatuluyan ba sila?
ReplyDeletehindi pa po last chapter :)
Deleteiyong last line D:
ReplyDeleteDi rin kineri ng hair ko ang kileeeeggg :">>
ReplyDeleteDayummmm. Manueeeeeeel. I now have a readgasm bc of you. Lol.
ReplyDeleteFRYL>>> MANUEL
ReplyDeleteDear manuel, love you na ulit po
ReplyDeleteOH, MANUEL. <3
ReplyDeleteHINDI MALI ANG LOVE TEAM NA MA-LIE YEY
ReplyDeleteakala ko po character yung fryl hahahahaha si kuya fryl pala
ReplyDeleteManuel is back on the track. :"> Can't wait for chapter 7 pls. :">
ReplyDeleteNice nice MC2. Ito lang ang sinubaybayan kong CW kahit na college na ko ngayon hehe. =))
ReplyDeleteBitin awwww </3
ReplyDeleteEverything is perfect about this story. Even the dates and times seem significant to me. Leggo, Pusong Bato. Leggo, MC2. Leggo, 2014! History to guys. :)
ReplyDeletePano pag nag-violate ng rule si Manuel para mapakita na mahal talaga niya si Natalie. Aghhh :)))
ReplyDeleteYou, my friend, are a genius. MC2, hey hey. :)))
DeleteThank you, my friend. Hahaha :)
DeleteI don't see a puso anymore sa poster. :( It's coming to an end huhuhu nooooo MC2 please stayyyyy.
ReplyDeleteIkakasal po ba sila?
ReplyDeleteBaka... Kasi di pa sila gumagraduate ng highschool eh. Baka... kasi mabubuntis si Natalie eh. Baka...
DeleteSana bukas na kaagad yung Ikapitong Sagutan. Hahah! Or agahan po huhu
ReplyDeleteWooohooo Inabangan ko tong chapter na to.
ReplyDeleteHindi nagsusuklay, black watch, medyo may katangkaran... I'LL FIND YOU MANUEL.
ReplyDeletewherz chapter 7 hoho
ReplyDelete