BABALA: Kung Mahulog Ka, Bahala Ka!
Kilala ng buong UPIS si Lino
Licuanan.
Kung hindi niyo natanong, sikat ang estudyanteng ito
hindi lang dahil sa kanyang katalinuhan, kayamanan, at nakapabangong
katawan. Ang pinakatanyag na katangian
ng binatang ito ay ang kanyang malagong 6-pack abs na mas matigas pa sa
tustadong tinapay mo.
Isa siya sa mga pinakasikat na miyembro ng Yakal
Basketball Club (YBC), ginagamit daw ni Lino ang isport na ito upang mapanatili
ang tigas at sigla ng kanyang katawan. “Eat your vegetables,” dagdag pa niya.
“Hindi biro ang maging katulad ko,” ani niya, “hindi
ko na nga malaman kung biyaya o sumpa ang maging kasimpogi ko.”
Kasalukuyang nahihirapan ang binata sa kanyang
pag-aaral bilang graduating student.
Hindi siya makapag-pokus dahil sa maya’t mayang pagtetext sa kanya –
lalake man o babae. Minsan nga ay
muntikan pang ma-confiscate ang kanyang cellphone dahil sa pagtawag ng
tagahanga na itatago natin sa pangalang “Edrylin”.
Nang makapanayam ang ilang estudyante, inulan pa rin
ng papuri ang binata. “Si Lino ay isang
biyaya ng Maykapal sa lahat ng nabubuhay sa mundong ito,” komento ng ka-batch
niyang si Andrew Pulumbarit, “halos siyam na beses na akong nahulog sa kanya ;
Wala na akong nais pang baguhin sa katawan niya. Perpekto siya para sa akin.”
Tuluyan ngang kumakalat ng “Lino Fever” sa
eskuwelahan. Sa katunayan, sinubukan pa
itong pagkakitaan ng kanyang mga kasamahan. “Sana nga mga pictures na lang ni
Lino ang ibinenta naming sa function. Siguradong lalapgas ng 600% ang kabuuang
profit namin!” sabi ng isang nakapanayam.
Tunay na isang milagro sa lupa ang kagwapuhan ni Mr.
Licuanan, pero kung inaakala niyo na ito lang ang kanyang maipagyayabang,
nagkakamali kayo! Maituturing siyang isa
sa mga pinakamatatalino na miyembro ng kanyang kinabibilangang batch. Kung hindi niyo natanong, nagagamit niya ang
napakaraming termino sa biology bilang parte ng kanyang mga pick-up at
pambobola sa kanyang mga inaakit.
Kailanma’y hindi pa siya nabibigo.
Kaya sa mga estudyante, guro, at staff, magsilbi sana
itong babala. Mag-ingat sa
nakahuhumaling na titig at bisig ni Lino Licuanan. / ni Jemuel Aberin, Anthony Dacoco at Luis Perez
