filipino,

Literary (Submission): Tahan na

9/30/2019 08:28:00 PM Media Center 0 Comments





Ilang taon ka nang lumuluha
Tahimik na nasasaktan
Nababaon sa kahapon
Tila ‘di na makababangon

Sisikat ang araw
Ipakikita sa’yong may pag-asa
Madarama mo ang init ng araw
Unos ng kahapo’y mawawala

Tahan na, mahal ko
Hinding-hindi ka iiwan
Hayaan mong ako ang maging sandalan mo
Nandito na ako

‘Wag nang hayaan na matangay ng karagatan
‘Wag magpalamon sa mga alon
Sasagipin kita hangga’t makakaya ko
Iaahon kita sa gitna ng bagyo

Sisikat ang araw
Ipakikita sa’yong may pag-asa
Madarama mo ang init ng araw
Unos ng kahapo’y mawawala

Tahan na, mahal ko
Hinding-hindi ka iiwan
Hayaan mong ako ang maging sandalan mo
Nandito na ako

Pagmamahal sa iyo’y hinding-hindi matatapos
Kahit mga bituin sa kalangitan ay maubos
Hahawakan ang iyong mga kamay
At lalakarin natin ang kalawakan nang sabay

Tahan na, mahal ko
Hinding-hindi na iiwan
Hayaan mong ako ang maging sandalan mo
Nandito na ako

Tahan na, mahal ko
‘Wag nang lumuha pa
Nandito lang ako

You Might Also Like

0 comments: