angelia albao,

Mga kagila-gilalas na nilalang, nabuhay sa Rampang Pinoy ng 3-6

9/27/2019 08:00:00 PM Media Center 0 Comments



Napuno ng tuwa, tawa, at hiwaga ang Bulwagan nang ganapin ang Rampang Pinoy 3-6 2019 noong Huwebes, Setyembre 12.

Gumanap bilang mga Pinoy superhero at supervillain ang mga napiling pares sa Grado 3 at 4. Nagpakilala bilang mga mahiwagang nilalang mula sa katutubong paniniwala ang mga mag-aaral ng Grado 5, at ang Grado 6 naman ay gumanap bilang mga kagila-gilalas na nilalang na may impluwensiyang Espanyol.

Nilalayon ng Rampa sa taong ito na makilala ng mga mag-aaral ang mahahalagang karakter sa panitikan at kultura ng bansa at malinang ang kanilang pagkamalikhain sa mga kostyum at presentasyon na ipapakita.

Ang mga naging hurado ay sina Prop. Sharon Rose Aguila, Prop. Crizel Sicat-De Laza, at Prop. Maria Lourdes Vargas. Ang pagpili ng nagwagi ay nakabase sa pagkamalikhain ng kasuotan at itsura, husay sa pagrampa at pagganap sa karakter na itinanghal, deskripsyon ng karakter, at dating sa mga manonood.

Nagwagi bilang Superhero ng Taon sina Ralph Jacob M. Mantaring at Caith Annika P. Angkay ng 3-Dagat, bilang sina Pagaspas at Lawiswis. Sa Grado 4 naman, ang nanalo ay sina King Terence Baluyot at Emmanuel Rufus Silleza, bilang sila Captain Barbel at Nero, ng 4-Sigarilyas.

Sa Grado 5, nag-uwi ng titulong Kagila-gilalas na Nilalang ng Taon sina Jayna Dane Maningas at Vincent Nicholas Gepitan ng 5-Banahaw bilang sina Lalahon at Ogassi. Sina Juan Uno Louello Macadaan at Amano Domini Bayoneta ng 6-Brilyante ay nagwagi rin bilang Tiyanak at Wakwak.

Ngayong taon, nagpakita rin ng pagkamalikhain at galing sa pagrampa ang mga kinatawan ng bawat departamento, pati na rin ang ilang staff. //nina Angie Albao at Pam Marquez


You Might Also Like

0 comments: