daylight,
Literary: Ang Gintong Lungsod
Sa aking bawat hakbang kumakapal ang putik sa ilalim ng sapatos ko. Malagkit na kumakapit ang putik. Tag-ulan. Tago ang araw, malamig ang hangin, at kulay-abo ang langit. Hindi na dumating ang tag-init. Sabi nila magkakaroon ng tag-init at magiging kulay ginto ang bakal ng Lamina. Sa paglalakad ko sa kalsada, nadaanan ko ang bakal na tubo, kinakalawang at nilulumot. Ang mga pader ng gusali ay maitim mula sa usok. Ang daanan ay nakalubog sa tubig at putik. Tinanggal ko ang butones ng suot kong itim na barong. Limang lamay na ang napuntahan ko. Habang naglalakad pauwi, naglabas ako ng buntong-hininga.
“Kailan matatapos ang tag-ulan?"
0 comments: