kiel dionisio,

17 mag-aaral mula Grado 12, lumahok sa Type Kita

9/20/2019 08:00:00 PM Media Center 0 Comments




SALAMAT. Pinahayag ng official Facebook Page ng Type Kita ang isang malaking pasasalamat para sa lahat ng nakilahok sa kanilang programa. Photo credit: Type Kita: The UP Blood Drive Official Facebook Page

Nilahukan ng 17 na mag-aaral mula sa Grado 12 ang Type Kita: The UP Blood Drive sa pangunguna ng UP Office of the President, NowheretogobutUP Foundation Inc. at Philippine National Red Cross (PNRC), noong Septyembre 6, 2019, Biyernes sa Palma Hall Lobby.

Ang nasabing blood drive ng PNRC ay unang ginawa noong 2016 at ngayong taon lang muling isinagawa.

Isa sa mga lumahok ay si Lander Suguitan mula sa 12-Kahusayan at payo niya sa mga nais mag-donate ng dugo, "Sleep, drink lots of fluids, and basically follow the steps na pinost ng Red Cross or the organization before magdonate even yung mga after donation na dapat nilang gawin."

Sa naturang blood drive din ay nagkaroon ng isang online raffle kung saan nanalo ng premyo ang tatlong estudyante mula sa 12-Kahusayan. Kabilang dito sina Brett Borja na nabigyan ng UP Merchandise, Shane Quitaleg na nanalo ng Careline Gift Pack, at Archie Malinao na nanalo ng Php 1000 na Robinsons Gift Certificate.

Ayon sa organisasyon, umabot sa 407 na bag ng dugo ang kanilang nakuha, higit sa karaniwang 30-80 na bag na nakokolekta sa mga ibang blood letting drive ng PNRC. //nina Magan Basilio at Ezekiel Dionisio 

You Might Also Like

0 comments: