filipino,
Hating-gabi, tago ang mga bituin sa likod ng mga ulap. Sa isang kwarto may maririnig kang tunog ng makinilya. Sa bawat linyang nasusulat, tinutulak ni Cara pabalik ang platina ng makinilya.
May kumatok sa pintuan niya. Binuksan ng nanay ni Cara ang pintuan ng kwarto niya. Malaki ang mga anino ng nanay mula sa kandilang hawak niya.
"Alam mo, kapag nagpupuyat ka nang ganito, papangit kutis mo."
Sumagot si Cara nang hindi tumitingin, "Ayos lang pumangit ang kutis, basta maganda ang sulat ko."
"Magiging maganda ba ang gawa mo kung inaantok ka noong ginawa mo?"
"Mas nabubuhay ako sa gabi, Ma."
Tumawa ang nanay nang bahagya. Nilapitan niya si Cara at nagtanong, "Mula nang ipahiram sa’yo ng paaralan yang makinilya na ‘yan, hindi ka na natulog nang maaga."
Sumagot si Cara nang hindi lumilingon, tuloy lang ang pagmakinilya, “Kahit naman po noong walang makinilya, nagpupuyat pa rin naman ako.”
Pinatong ng nanay ang kandila sa mesa sa may kama. Dahan-dahang umupo ang nanay sa kama ni Cara. “Ano bang sinusulat mo, ‘nak?”
“Isa pong artikulo, para sa pahayagang ilalabas sa dulo ng buwan.”
“Tungkol saan naman ‘yan?”
Ngumiti si Cara at sinabi, “Tungkol sa pag-abuso ng guardia sibil.”
Umandap ang apoy ng kandila. May simangot na lumitaw mula sa mukha ng nanay.
“Anong pinagsasabi mo?” sabi ng nanay, wala nang aruga at hinhin mula sa boses niya.
Tumigil sa pagmakinilya si Cara. “Alam mo naman ang nangyayari, Ma. Sigurado akong may naririnig ka mula kina tita Selca. Lagi ka namang nakikiusap sa mga kapit-bahay natin.”
“Kuwento lang ‘yon ng mga babaeng ‘yon. Wala naman akong naririnig sa mga kapit-bahay natin na nabibiktima.”
“Siyempre wala sa kalye natin. Puro mga taga-eskinita ang binibiktima.”
Konting tumaas ang boses ni Cara, “Porket mahirap, tinutulak-tulak na lang ng kung sinu-sino.”
Tinaasan rin ng nanay ang kanyang boses, “Bakit mo pa kailangan magsulat tungkol diyan? Hindi naman natin problema ‘yan.”
“E paano kung tayo ‘yon, Ma?”
“Hangga’t maging tahimik tayo tungkol sa guardia sibil, hindi nila tayo guguluhin.”
Nagkaroon ng ilang sandali ng katahimikan sa pagitan nila. Huminga nang malalim si Cara para huminahon siya.
“Hindi na po ito katulad ng panahon mo na bawal magsalita laban sa pamahalaan.” sabi ni Cara, “Umalis na ang mga dayuhan dito sa Lamina, napalitan na ang diktador na pangulo. Ito na ang panahon para magsalita para sa hustisiya ng kapwa nating tao.”
Kumulubot ang noo nang nanay, “Kahit wala na sila, delikado pa rin ang ginagawa mo–”
“Ang ginagawa ko ay ipinapakita ang katotohanan.”
Hindi na hinintay ni Cara ang sagot ng nanay. Tumuloy na siya sa pagmamakinilya. Namagitan sa mag-ina ang katahimikan ng gabi.
Naglabas ng buntong-hininga ang nanay. Alam niyang wala siyang masasabi para magbago ang isip ni Cara, kaya kinuha niya ang kandila niya mula sa mesa at naglakad palabas.
Sinara niya ang pintuan nang palabas siya.
"Huwag ka masyado magpagabi, anak." sabi ng nanay. Ngumiti siyang maliit, "Bibili ka pa ng umagahan para sa kapatid mo bukas sa karinderya."
"Opo ma."
Sa pagsara ng pintuan, tuloy ang tunog ng pagmakinilya ni Cara. Tuloy ang kanyang paglaban para sa tama.
Literary (Submission): Patuloy na paglaban

0 comments: