cj herrero,

Sports: UPIS, nagpasiklab sa UP Pep Rally

9/04/2019 08:12:00 PM Media Center 0 Comments




PAKITANG GILAS. Labis ang ngiti ng mga atletang nagtanghal sa taunang UP Pep Rally nang matapos nila ang kanilang routine. Photo Credits: Jose Gabrielle Dela Peña

Lumahok muli ang mga atleta ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) sa taunang UP Pep Rally na ginanap sa UP College of Human Kinetics (CHK) Gym noong Agosto 20, 2019.

Ang UPIS na kumakatawan sa Juniors varsity team ay nagsama-sama rin sa isang sayaw. Kabilang dito ang mga miyembro mula sa UPIS Table Tennis, UPIS Swimming Team (VST), UPIS Basketball, UPIS Volleyball, UPIS Track and Field, at UPIS Pep Squad. Itinanghal nila ang isang dance routine na itinuro’t pinamunuan ng UPIS Pep Squad coach na si Coach Ellorah “Sophia” Araneta.

Layon ng pep rally na ipakilala at suportahan ang mga koponan para sa UAAP Season 82 na magsisimula sa Setyembre 4.

Ang mga host ng gabing iyon ay sina CK De Leon mula sa UP Women’s Softball Team at Cynthia Escutin mula sa UP Women’s Volleyball Team. Dumalo rin si Chancellor Michael L. Tan upang ipakita ang kanyang pagsuporta sa unibersidad.

Patuloy na naghahanda at nag-eensayo ang mga atletang nagtanghal para sa nalalapit na UAAP ‘82 at iniimbitahan ang lahat na suportahan ang sports teams ng UPIS. //nina Mariel Diesta at CJ Herrero

You Might Also Like

0 comments: