chord,

Literary: Pagtatapos

9/07/2019 08:15:00 PM Media Center 0 Comments




Ang bawat hakbang sa aking buhay ay siyang tumatapos sa isang yugto.

Ang yugto ng aking pagsimula sa kolehiyo, ang siyang magtatapos sa aking panahon sa hayskul. Natatanaw ko na ang mga nagmamartsang Iskolar ng bayang nakabarong at filipiniana. Hawak-hawak nila ang kanilang telepono habang kumukuha ng litrato ng isat-isa bago magsimula ang programang magsisilbing panimula sa pagtungo nila sa sari-sarili nilang mga hangad sa buhay.

Isa-isang pipila patungo sa harap ng entablado katabi ng prinsipal. Makikipag-kamay sa kaliwa, sabay tanggap ng diploma sa kanan. At sa wakas, kakanta ng awit ng kanilang eskwelahan para sa huling pagkakataon.

“UP naming mahal, pamantasang hirang...”

Ang huling pagkakataon ang magsisimula ng panibago. Ito’y uulit para sa mga kasunod sa pila at ganoon rin sa susunod nilang pagtatapos.

Ang walang hangganang pagtatapos. Ang walang hangganang pagsisimula.

You Might Also Like

0 comments: