filipino,
Patuloy ang kapayapaan sa eskinita. Maraming sala-salabat na sampayan sa mga eskinita. Nakasampay dito ang mga basang labahan ng taga-eskinita. Ang bawat patak ng tubig mula dito ay laging nahuhulog sa mga taga-eskinita. Sa ilalim ng mga sampayan, may batang umiiwas sa mga patak ng tubig. Bitbit niya ang mga tinda niyang basahan. Sa bawat tapak niya sa basang sahig tumatalsik ang putik papunta sa kanyang mga binti. Sa mga gilid ng eskinita, may mga tambak ng basurang kinakalkal ng mga pusa at aso. Mga basurang nilagay na lang sa tabi. Sa paglagpas niya sa mga basura, kumaripas ang mga aso at pusa paalis, mga dalawang pusa at isang aso. Paglapit niya sa pintuan ng bahay nila, napansin niyang nakabukas. Ang kakaunting gamit sa bahay ay kung saan-saan binato. Ang ina ng bata ay sinasakal ng guardia sibil. Lumingon ang guardia sibil sa bata.
Literary (Submission): Araw-araw sa mga eskinita ng Lamina

0 comments: