filipino,

Literary: Totoo 'to

9/30/2019 08:03:00 PM Media Center 0 Comments





Setyembre 28 2019
Aking Irog,

Bakit kaya noon iniisip mong parang mali 'yung ginagawa ko; parang rebound lang 'yung mapupuntahan ko kung nagtagal tayong dalawa. Pero sinabi ko sa’yo na hindi ‘yon totoo at mahal na mahal kita.

Pero may tanong ako para sa sarili ko, bakit nga ba hindi tayo magkalapit noon. Ngunit ngayo'y biglaan ka na lang sumagot ng oo noong aking tinanong kung puwede bang maging tayong dalawa. Sa oras na ‘yon ay bumalik sa aking isipan ang sinabi ng aking mga kaibigan...

“Baka nagustuhan mo lang siya dahil kahihiwalay lang niya.”
“Gusto mo lang siyang tulungan; yun lang talaga.”
“Hindi mo talaga siya gusto; marupok ka lang para sa isang dalaga.”
“Lalandiin mo lang naman siya at hindi mo bibigyang-halaga ang pagkatao niya.”

Ayan ang mga narinig ko noong bago ako umamin sa’yo. Pero ngayong mas malinaw na ang isip ko ay alam kong hindi ako pumasok sa relasyong ‘to para iwanan ka lang bigla. Iba ang nakikita ko sa’yo na hindi kayang makita ng iba. Isa kang malakas na tao, hindi ka agad sumusuko kahit sobrang tindi na ng nararansan mong hirap. Kapag tumutulong ka naman sa ibang taong may pangangailangan, binibigay mo lahat ang iyong makakaya para matulungan sila.

Kaya para sa akin, tama ang ginawa ko noong hapong iyon, sinabi ko sa’yo ang nararamdaman ko.

Pagkatapos ng pangyayaring ‘yon ay may sinabi ka, “Gusto rin kita ha.” Parang matagal na tayong magkaibigan kahit halos wala talaga tayong pinagsamahan.

Ngayon ay papalapit na ang ating anibersaryo at gusto ko lang sabihing ibang-iba ka talaga sa lahat ng babae sa ating eskuwelahan. Kahit na hindi talaga tayo magkakilala noon ay sobrang mabait ka pa rin sa’kin, o kaya naman ay tinutulungan mo ang mga taong may kailangan ng tulog kahit hindi kayo magkakilala. Kapag nahihirapan ka sa isang asignatura ay puwede kitang turuan. Kung ano mang problema ang dumating sa buhay mo, handa akong tulungan ka. 'Yun naman ang layunin ng isang kasintahan diba?

Gusto ko lang sabihin sa’yo na mahal kita kahit marami pa tayong puwedeng matutunan mula sa isa’t isa. Handa akong makasama ka hanggang sa aking makakaya… hanggang mamatay tayong dalawa aking sinta.


Galing kay
Isko

You Might Also Like

0 comments: