filipino,

Literary: Superman

9/07/2019 08:03:00 PM Media Center 0 Comments




Tila isang bilanggo
Sa yungib ng kalaban
Kailan ka ba darating
O aking Superman?

Hanggang ngayon
Ako'y litong-lito pa rin
Saklolo mo ba'y dapat
Ko pang hintayin

Sapagkat ang sarili,
Kaya ko namang iligtas
Pero para sa'yo
‘Di ko gugustuhing tumakas

Walang hanggan ang ninanais
Ng puso kong ito
Parating magpapahuli
Upang muling iligtas mo

O, aking Superman
Ikaw ang aking panalangin
Sana’y ang pagtingin sa’yo,
Iyo nang mapansin

You Might Also Like

0 comments: