3-10,

UPIS tumulong sa mga nasalanta ni Pedring

10/15/2011 09:18:00 PM Media Center 0 Comments

Juan Ysmael Mendoza

Ilang mag-aaral at guro ng UPIS na tumulong sa pag-aayos
ng relief goods sa Sagip Kapamilya headquarters.
"Nakatutuwang makita na may bayanihan pa rin sa UPIS," wika ni Prop. Czarina Agcaoili habang inihahanda ang mga relief goods na ipinadala sa ABS-CBN Sagip Kapamilya noong Oktubre 10.

Noong nakaraang Linggo, nagbigay ng liham ang Extension Committee sa pamumuno ni Prop. Agcaoili na nanghihikayat sa komunidad ng UPIS na tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Pedring sa mga kababayan natin sa kalakhang Luzon.

Tumulong ang mga Cadet Officers ng UPIS Corps of Cadets sa pagkolekta at pagbubukod ng mga relief goods kasama ang ilang estudyante ng Grado 4 (Batch 2018). Ang mga Boy at Girl Scouts at pamunuan ng Kamag-aral 3-6 naman ang sumama sa pagpapadala ng mga ito sa ABS-CBN.

Ang mga kadete at ilang mag-aaral ng Batch 2018 na nagbubukod ng mga
donasyon sa 3-6 Faculty Lounge.

Nakapagpadala ang UPIS nang halos dalawang Jeep na puno ng mga donasyon.

Nagpapasalamat si Prop. Agcaoili sa mga nagbigay donasyon at tulong sa mga nasalanta. Ipinahayag niyang naging makabuluhan ang bayanihang ito sa komunidad ng UPIS.

Ang mga larawan ay kuha ni Prop. Michelle S. Sonza.

You Might Also Like

0 comments: