chapter 7,

Literary: Isang Araw (Chapter 7)

10/03/2011 07:30:00 PM Media Center 10 Comments

Ang kwentong ito ay ipinasa ng staff ng Media Center 1 2012 bilang kanilang creative writing project para sa unang semestre. Sama-sama nila itong binuo, sinulat, at pinaghirapan.

Sa kwentong ito, ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.




Chapter 7: Filipino

2:04 pm

Narinig kong tinawag ako ni Andrew pero hindi na ako lumingon pa. Tinawag niya ako para ano? Para makita ko na naman sila ni Zara na palabas ng AVR? Tss, ‘di na ‘no! Tama na ‘yung nakita ko silang nagyakapan sa harap ko. Tama na... Tsaka isa pa, baka maleyt na ako sa Filipino.

“Ria, CR muna tayo. Wala pa naman yata si Ma’am Balagtas eh,” sabi sa akin ni Bea.

“Kayo na lang muna ni Grace, mauuna na ako sa room.”

Iniwan ko na sila at dumiretso na ako. Pagpasok ko, wala pa masyadong tao. Wala pa rin si Ma’am. Umupo ako sa may bandang likod at nag-soundtrip na lang. Pagka-on ko ng iPod ko...

♪♫♬ Kasalanan ko ba kung iniibig kita... ‘Di ko naman sinasadya ang mahalin kita... Mapipigil ko ba kung mahal kitang talaga... ♪♫♬

Ano ‘to?! Bongga! Pati ‘tong iPod ko, nananadya yata. Naka-shuffle naman, pinapatamaan talaga ako. E’di lalo akong na-BV. Susme, pinatay ko na lang...

2:10 pm

“Magandang hapon, Dao!”

“Magandang hapon po, Ma’am Balagtas!”

Hindi pa nag-iinit ang upuan namin, nagsimula na si Ma’am.

“’Yung talumpati niyo, sa susunod na linggo na magsisimula. Marami sa inyo ang hindi pa nagpapasa ng first outline at draft! Hindi kayo maaari magtalumpati hangga’t walang final draft! Hindi gagradweyt ang hindi makakapagtalumpati!”

Sabi ko na nga ba, sermon na naman ‘to tungkol sa talumpati eh. Paano naman kasi kami makakapagpasa agad kung last week lang siya nag-approve ng topics. Tapos ang dami ko pang iniisip... ‘Yung research sa English, IPSA sa Physics, long test sa Trigo, function sa PA, creative shot ko at... si Andrew! Hay nako.

“Ikaw Ria, pang-ilan ka? ‘Di ka pa nagpapasa ng outline at draft mo ha!” Ako na naman ang nakita ni Ma’am.

“Po? Pang-17 po,” sagot ko sa kanya pero biglang sumigaw ‘yung isa kong kaklase...

“Hoy Glo-ria! 17 ka dyan! Ako ‘yung pang-17, sira!”

Ay oo nga pala. Pang-anim pala ako! Si Andrew ‘yung pang-17! Ano ba naman ‘yan, pati ba naman sa klase, nakokonek ko sa kanya ang mga bagay-bagay.

“Ay Ma’am, pang-anim po pala ako. Sorry po. Tsaka Ma’am nagpasa na po ako. Pati nga po second outline at draft, tapos ko na eh. Nasa lamesa niyo na po.”

“Ahh, ganu’n ba? Sige titingnan ko mamaya. Maaari ka nang umupo.”

Isa-isa nang tinawag ni Ma’am ang mga kaklase ko para tingnan ang mga outline at draft nila.

2:38 pm

Nilapitan ako ni Grace, umupo siya sa tabi ko pagkatapos siyang kausapin ni Ma’am. Mukhang nag-aalala na siya para sa akin...

“Ria, ‘wag mo na masyado isipin ‘yung mga sinabi ni Alex tungkol kay Andrew at sa babaeng gusto niya. Tingnan mo, nawawala ka na naman sa sarili mo,” sabi niya. Hindi ako sumagot.

“Aba ‘te, hindi na maganda ‘yan! Apektado ang studies mo eh.”

Ang haba ng sinabi niya pero napatango na lang ako. Unti-unti na yata akong natatauhan. Dalawang taon ko na siyang gusto pero wala pa ring nangyayari. Siyempre hindi ko naman maamin sa kanya kasi parang ang pangit kung ako mauunang magsabi. Kung gusto niya rin ako, sasabihin naman siguro niya pero hanggang ngayon wala eh! Hindi talaga ako ang gusto niya.

“Grace! Pangit ba ako?”

Mukhang nagulat si Grace sa tanong ko... “Ano?! Baliw ka ba? Bakit bigla-bigla mo namang tinanong sa akin ‘yan!”

“Ang dami kasing pumapasok sa isip ko ngayon eh. Sagutin mo na lang kaya?”

“Hmm... teka, pag-iisipan ko. Haha. Joke lang! Siyempre oo, maganda ka! Ano ba...”

Hindi na ulit ako kumibo. Maganda naman pala ako eh. Mabait naman siguro ako. Sa tingin ko, responsable naman ako. Bakit hindi niya ako magustuhan? Ano kayang nakita niya sa babaeng gusto niya?

Hay nako. Ang tanga-tanga ko para hindi malamang may iba siyang gusto. Hindi lang pala siya ang manhid! Napakamanhid ko rin para hindi maramdamang hindi ako ang gusto niya.

“Bakit mo ba natanong? Dahil na naman kay Andrew?”

“Oo. Ayoko na! Pagod na akong umasa.”

“Weh? ‘Di nga? Totoo na ba ‘yan? Ilang beses mo na kasi ‘yang sinabi, ‘te!” sabi ni Grace sa akin. “Tuwing nasasaktan ka, ‘yan lagi ang linya mo sa amin ni Alex! Pero ‘pag napakilig na naman ni Andrew eh, gora ka na naman sa kanya! Kaloka ka!”

“Totoo na ngayon, promise! Hindi na ako makapag-focus sa klase dahil sa kanya eh. Hindi lang niya ako pansinin, problemado na ako. Tama na, ka-stress lang. ‘Di naman umuusad!”

“Nako, mukhang seryoso ka nga! Eh paano kung kausapin ka niya? ‘Pag nagtext siya sa’yo? ‘Pag nilapitan ka niya, anong gagawin mo?”

“E 'di mag-aala-Irene ako! Siya si Apollo! Kunwari nagka-amnesia ako! Hindi ko na siya kilala! Basta, bahala na!”

“Sira ka talaga eh ‘no? As if naman maniniwala ‘yun sa’yo! Teka! Si Andrew o, ayun sa labas!”

“Ha? Saan?!” gulat kong sinabi.

“Patolaaa. Hahaha! Akala ko ba kakalimutan mo na? Eh nataranta ka pa, sabay lingon! Ewan ko sa’yo. Diyan ka na nga! Haha!”

2:54 pm

Loko ‘yun si Grace ah. Syempre hindi naman ganoon kadali ‘tong gagawin ko. Masakit at mahirap pero para sa akin din naman. Kapag pinatagal ko pa ang nararamdaman ko, mas masasaktan lang ako. Mabuti nang ngayon ko na ‘to tigilan. Tatanggapin ko na lang tapos move on na. Sabi nga nila, ‘pag mahal mo talaga ‘yung tao, palalayain mo. Haaay.

3:21 pm

“Dao, kunin ang inyong mga Alab. Ibibigay ko ang inyong takdang-aralin.” Naabala na naman ni Ma’am ang pag-dadrama ko.

‘Di ko namalayang patapos na pala ang klase. ‘Di bale, huli na ‘tong pagiging lutang ko habang may klase.

“Basahin ang tula at sagutan ang mga pahina 75-77. Paalam at salamat, Dao.”

“Paalam at salamat po, Ma’am Balagtas.”

3:25 pm

Palabas na sana ako ng room nang habulin ako ni Bea. Bakit kaya? Iintrigahin na naman siguro niya ako kung anong problema ko. Ayoko nang sumagot. Ayoko nang magkwento.

“Ria, pwedeng palagay niyong Alab ko sa locker mo? Dami ko na kasing dala eh. Puh-leaseeee?” Hindi naman pala, makikilagay lang. OA ko na naman.

“Sige, akin na. May magagawa pa ba ako?”

“Thanks! Labyu! Hehe,” sabi niya.

3:28 pm

Nasa tapat na ako ng locker ko nang ma-realize kong may nawawala. Wala na sa bulsa ko ‘yung mga susi ko. Kinabahan ako bigla. Lahat ng susi ko nandun. Sa locker ko, sa bahay namin, at... sa MC room. Halaaaa. Lagot ako nito. Nasaan na kaya ‘yun? Ginamit ko pa ‘yun kanina eh. Hindi ko na malaman kung saan maghahanap nang biglang mag-vibrate ang phone ko...

*1 message received*

-- ITUTULOY --

You Might Also Like

10 comments:

  1. super nakakarelate ako!! :((((

    ReplyDelete
  2. Aw bitin :( susi ng bahay, MC room, etc ah. hahaha

    ReplyDelete
  3. bitin as always XD
    nakooo. magmmove on na si Ria :))))
    sayang 'ung 2 years na pagkakagusto kay Andrew ta's magmmove on siya without even doing anything.
    tsk. nagsayang siya ng panahon =)))
    she should at least tell Andrew what she feels.
    para naman whatever happens next, no regret siya dahil ginawa niya kung ano kaya niya, dba? XD

    LOL. MC1, wag nga kayong bitin :)))

    ReplyDelete
  4. potek. tagos talaga e. tinatamaan talaga ako e. o_O

    ReplyDelete
  5. bitiiiiiin >< Waaaaaaahh

    ReplyDelete
  6. Hahahaha... Bitinin talaga?

    ReplyDelete
  7. "Oo. Ayoko na! Pagod na akong umasa."

    yun talaga yun eh. </3

    -masarapnapancit

    ReplyDelete
  8. Whoooo! Bitin :( Chapter 8! =))

    ReplyDelete
  9. HAHAHA! =)) nakakaaliw naman to! :))

    ReplyDelete
  10. nakakabtiiiiiiin. :))))
    nakakarelate lang talaga eh, 'no. :)

    ReplyDelete