isang araw,
Sa kwentong ito, ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
Chapter 9: LOVER'S LANE
Kahit kailan talaga laging late si Andrew.
Kanina pa ako nag-aantay dito sa Lover’s Lane, o... Napraktis ko na nga ‘yung gagawin ko 'pag dating niya: Kukunin ko lang ‘yung susi ko, magpapasalamat tapos aalis na agad ako.
Kung hindi lang ako burara at hindi ko nawala susi ko, hindi ko na dapat siya kakausapin eh. Kainis! ‘Di bale, huli na ‘to. Huli na talagaaa!
Anak ng tinapa...
Ang tagal ko ata masyado. Baka kanina pa siya nag-aantay... Ang alam ko kasi maaga ang uwian nu'n tapos... Lagi pang maaga 'yun...
Kahit ata tumakbo pa ko, eh siguradong mauuna 'yun.. pero syempre, takbo naman... Tae. Kinakabahan na 'ko... Ito na...
Ayun! Natatanaw ko na siyang tumatakbo papunta rito.
Bakit ganito, bigla akong kinabahan? Nakaupo lang ako rito pero parang mas mabilis pa tibok ng puso ko kaysa sa kanya na tumatakbo.
Naman kasi eh, ang lakas talaga ng dating niya! Naguguluhan na naman tuloy ako… Hmm, pero hindi. Nakapagdesisyon na 'ko na iiwas na 'ko…
“Uy. Sorry ha… Kanina ka pa?”
Tae nakakahiya talaga. Ano ba yan.
“Define kanina… Haha, joke lang. Oo, medyo kanina pa nga ako rito. Bakit ba ang tagal mo?”
Hala. Sabi ko kukunin ko agad ‘yung susi eh, bakit ko pa siya inuusyoso? Baka mapatagal usapan namin nitooo..
“Eh, hindi naman ako matagal. Sakto lang ako o. 'Di ba 5 pa uwian namin? 5:05 pa lang o! Maaga lang uwian mo 'nooo... Hehe. Tsaka.. hindi naman maaga nagpapalabas si Ma'am. 'Di ba lagi pang nag-eextend 'yun. Buti nga medyo maaga-aga ngayon e. Maaga na 'to!"
Ang dami ko atang sinabi! Kakaba talaga.. Putek.
“Ahh. Sige, akin na susi ko.”
Ano na namang problema nito? Ang taray-taray.. Napapa-urong tuloy ako... Hay nako. Ibigay na nga ang dapat ibigay.
“Ah, oo nga.. wait.. nasa bag…” Tatagalan ko ‘tong pagkuha ng susi… Ang taray.. Asarin ko pa kaya…
Pero kahit naaasar siya, ang ganda niya pa rin… Iba talaga e.
Tae ha, ang tagal ni Andrew… nananadya?
Okay lang.. at least… magkasama kami… tapos… STOP RIA. Aalis ka dapat agad.
“Ito na…”
“Yey. Tagal ah… Haha. Akala ko nawala ko na talaga ‘to. Buti napulot mo, salamat ha! Alis na ko.”
“Teka, aalis ka na? Ang aga pa, oy…”
Ay hindi, papasok! Dami namang tanong.
Pero kung alam niya lang, ayaw ko pa umuwi kasi gusto ko siya makasama ng mas matagal. Haaay, kaya ko ‘to, dapat makaalis na ko. Kung hindi, baka madala na naman ako sa mga kilos at sa mga sasabihin niya!
“Oo, marami pa akong gagawin eh. Sige na, may training ka pa!”
“Huwag ka muna umuwi.. Ano ka ba.. Ang aga pa o.. Hahatid na lang kita mamaya.. Mamaya ka na umuwi, please…”
“Kailangan ko na ngang umalis agad. As in kailangan kaya uuwi na ako tsaka magtraining ka na…”
Tatayo na nga ako para tumigil na 'to.
“Hindi na ako magtetraining… Usap muna tayo ooooy…"
Bakit parang ayaw niya akong kausapin?
"Huwag ka muna umuwi… Please… May kailangan ako sa’yo…"
Tumayo na rin ako at humarap sa kanya.
"May sasabihin pa ako sa’yo.. Ihahatid kita. Importante 'to, Ria…”
Gusto ko nang hawakan ang mga balikat niya para pigilan siya...
Nagulat ako. Ihahatid niya ako? Hindi siya magtetraining? Anyare?
Baka naman magtatanong-tanong lang siya tungkol sa kabatch naming gusto niya… Baka magpatulong pa siya sa’kin, ayoko nga!
Perooo kasiii, ito na ‘yun eh! Parang ‘yung panaginip ko lang kagabi.. Haaay!
NO RIA. Umuwi ka na.
Ano ba, Ria. Huwag ka ng papilit… Kailangan ko sabihin sa’yo ‘tong nararamdaman ko…
Ano bang gusto mo? Ito na nga eh… Ito na Ria o… Ayoko na maghintay… Gusto ko malaman mo na lahat ‘to…
“’Wag na, Andrew. Kaya ko umuwing mag-isa. Umalis ka na, ayoko na. Ang sakit na. Pagod na pagod na ako… Bye.”
Tumalikod na ako agad. Naglakad na ako papalayo… Uuwi na ako.
“Pero, Ria! RIA!”
Tumalikod na siya. Ayaw na niya…
Ria, ito na ‘yung oras e. Ayaw mo ba sa akin? Ria… Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ria, akala ko ito na ‘yun oras… Bakit ganito? Bakit ganito na tayo ngayon? Hindi naman tayo ganito dati.
Sino bang mali? Ako? Ikaw? Siguro... ang panahon? Ria, ano na?
Hindi na kita maintindihan… Maghihintay pa ba ako? Tama na ba? Ria…
Ayoko na siyang makita muna. Ayoko muna siyang makausap. Ang sakit-sakit na.
Ayoko na umasa, Andrew. Kung alam mo lang…
Kung alam mo lang kung gaano mo ako napasaya.. at kung alam mo lang din kung gaano mo ako nasaktan na… Tama na, Andrew.
Pagod na pagod na ako. Hindi mo alam kung gaano ako katagal nagtiis at naghintay sa’yo… Tama na...
“Ria! Ria!”
Wala na talaga siya. Hininaan ko na boses ko…
“Ria, mahal kita e… Mahal na mahal kita, Ria.”
Hay, Andrew… Kung ano pa man ‘yang sinabi mo, ayoko na marinig ‘yan. Tama na, Andrew.
Ayan! Ayan na naman… Napaiyak mo na naman ako… Tae naman o. Ayoko na talaga… Tama na ang lahat ng kalokohan na ‘to. Paalam, Andrew…
Ria, mahal na mahal kita… Hay...
Siguro... siguro nga hindi pa ngayon ang tamang panahon.
Pero alam kong darating din ang araw na 'yun.
WAKAS (NA NGA BA?)
Literary: Isang Araw (Chapter 9)
Ang kwentong ito ay ipinasa ng staff ng Media Center 1 2012 bilang kanilang creative writing project para sa unang semestre. Sama-sama nila itong binuo, sinulat, at pinaghirapan.

last chapter, aw :( :)
ReplyDeleteHALA HALA HALA HALA. =))))
ReplyDelete:( sayang! Hindi niya pa narinig ang kanyang mga salita na magpapamali kay Ria na hindi siya umasa!
ReplyDeleteso saaaad. Last na natin nito... Oh well.
ReplyDeleteHAAAAAALAAAAAAAAA. ANO BA YAAAAAAAAAAAAAAAN.
ReplyDelete'di siya pwedeng matapos na. 'DI PWEDEEEEE.
ReplyDeleteEH?!!!
ReplyDeleteBAT GANITO?
NO HAPPILY EVER AFTER?
TT__________________________________TT
WRONG TIMING. FUDGR.
MC! MAKE EPILOGUE!!! <3
Chapter 10? Please... hahaha.
ReplyDeletehuhu
ReplyDeleteT_T
so sad.....
GANYAN NAMAN KAYO! Binitin n'yo na naman!
ReplyDeleteHrrrrmp. This better have a continuation come MC2. Ayt? :))
HINDI pa yaaaan! Dapat may kasunod pa yan! :)))
ReplyDeleteContinuation :
ReplyDeleteNadapa si Ria,
Dumating si Andrew at ang kanyang puting kabayo.
Sumikat ang araw na may double rainbow
nagkaroon sila ng 3 anak.
CHAPTER 10! CHAPTER 10!
ReplyDeleteCHAPTER 10 !!!
ReplyDeletebitin !
=((
ReplyDelete