isang araw,

Isang Pasasalamat

10/16/2011 09:15:00 PM Media Center 4 Comments

Ma'am Cathy Carag

Bilang pasasalamat sa inyong pagsuporta at pagsubaybay sa Isang Araw sa buhay nina Ria at Andrew, ibabahagi namin ang experience ng staff sa pagbuo at pagsusulat ng kwentong ito.

So sino ba ang may pakana ng lahat ng ito?

Ako. Haha. Pinatulan naman nila. Kaya kahit hanggang 11pm, nagtatrabaho pa rin kami. Pero sabi nga ni Assoc Ed Ysmael, we regret nothing. :)

Paano ba nagsimula?

Isang ordinaryong meeting lamang sa MC 'yun--bigayan ng assignments, batuhan ng ideas, kwentuhan, chikahan, biruan. Sabi ko gusto kong gumawa sila ng isang maikling kwento tungkol sa isang ordinaryong araw sa UPIS. Iba't ibang subjects ang magiging pangalan ng chapters.

Nabanggit na flow ng bawat klase ang ikukwento pero sabi ni Ma'am Wena corny yun. Oo nga naman. Siya ang nagsuggest na iikot ang kwento sa dalawang tao lamang kaya napagdesisyunan na gawing "love story."

Paano nabuo ang flow ng kwento?

Dugo. Pawis. Hirap. At maraming-maraming tawa ang involved! Hehe. Joke lang. Tatlong oras binuo 'yan. Masakit sa ulo pero halos lahat may input. Piniga ng sobra ang creative juices ng staff kaya out-of-this-world na ang ibang suggestions para sa ilang eksena. Minsan mala-teleserye na (mag-uusap habang umuulan, may cancer, magkapatid pala, etc. etc.) Matagal talaga pero nakatapos naman kami.

Ngunit, habang sinusulat ang bawat chapter, marami pa ring nabago sa initial outline (kagaya ng sections nila Ria at Andrew na Aratilis at Niyog dapat). 'Yung ending lamang ang hindi. ^^

STORY BOARD. Ang outline ng Isang Araw na produkto ng tatlong oras na brainstorming. Featured ang "Burorange"
ni Ysmael na fruit punch na nilagyan ng napakaraming slice ng oranges kaya nagmukhang buro. Cara Bilangel.

Saan based ang ilang scenes?

Sa mga araw-araw na pangyayari at activities sa mga klase sa UPIS--IPSA, research paper sa English, function sa PA, talumpati sa Filipino, kwentuhan sa lunch, etc. Hinugot na rin mula sa imahinasyon at random experiences.

Saan galing ang tagline na "Maraming pwedeng mangyari sa loob ng Isang Araw"?

Naisip ko 'yan after mabuo ang outline. Kasi andami naman talagang nangyari di ba? Sabi nga ng staff, parang roller coaster ride ang experiences ng characters.

Saan nakuha ang mga pangalan ng characters?

Hehe. Sa totoo lang, usapang pangalan ang laging pinakamatagal. Pero ito rin usually ang pinaka-interesting.

Si Ria ang pinakamabilis nabigyan ng name. Si Andrew naman ang pinakamatagal napagdesisyunan. Naconsider ang Andrei at Alex (which we eventually decided to be a different character). Pabirong sinuggest ni Jomil ang Apollo at Arnulfo.

Ang pangalan ng president ng Molave na si Pao ay pabirong ni-request ni Paolo (Batch 2013) na sineryoso namin. :)

Marami ring pinagdaanang name changes si Zara. Dapat Shamchey ang pangalan dahil si Cheyenne (Batch 2013) ang unang nanalo sa pa-contest ng Isang Araw. Naging Sam, tapos Zara, at naging Lea pa bago binalik sa Zara at binigyan ng buong pangalan na Zara Jeronimo.

Nasa MC Room si Donita (Batch 2011) nang ineedit ang Chapter 2 kaya Ma'am Razon ang naging pangalan ng hinihiraman ng Sci-cal sa Pisika chapter. Mula kay Francisco Balagtas naman ang pangalan ng Filipino teacher. Para sa Math teacher, hiniram namin ang pangalan ni Ms. Par ng Zone 5 na nanlibre ng KFC habang sinusulat ang Chapter 8.

Sino ba talaga si Ria? Si Andrew?

Ahhh... Haha. :)

Truth? We had persons in mind when they were first written but we are sworn to secrecy unless those people choose to divulge. Hehe. Anyway, naging kombinasyon naman ng iba't ibang personalities ang characters nila eventually.

Sino ang nagsusulat?

Dalawa lang ang talagang nagsusulat. Si Jomil para kay Andrew at si Cara naman para kay Ria.

Binabasa ng MC1 staff ang kwento bago i-publish. Nagsusuggest sila tapos ineedit ng writers ang kwento. Ipapasa sa amin ni Ma'am Wena for final editing. Tapos gagawa si EIC Kaye ng teaser na ipopost bago ang actual release. :)

Pina-test read rin namin ang Chapter 1 sa ibang teachers at former students.

Ano ang pinakamahirap na bahagi ng buong experience?

Mag-promote at mag-release ng wala si EIC Kaye dahil nakatulog siya. O kaya yung sabi magrerelease na pero wala pa ang staff. Haha. Joke lang. :P

Inaassume ko na ang pagsusulat mismo. Mahirap naman talaga maghabol ng deadline lalo na kung sabay-sabay ang projects at activities. Buti na lang mahal talaga ng MC1 ang trabaho nila. :)

Ano naman ang pinakamasaya?

'Yung malaman na inaabangan, sinusubaybayan, at binabasa talaga ang kwento namin.

Noong nagpopost pa lang ng teasers, akala namin walang nag-aabang. Marami pala. Kaya tinodo namin ang pag-promote.

Halos lahat kami online pag nagrerelease dahil nakakatuwang mabasa ang tweets at comments tungkol sa chapters. Hindi namin maipaliwanag ang saya sa tuwing kinu-quote ang lines from Isang Araw. Hindi namin inexpect na magiging ganito ka-positibo ang response.

Kaya sa ngalan ng MC1 2012, maraming salamat sa inyong lahat!

Eh bakit ganun ang ending? Bakit laging bitin? May pangalawang araw ba? Ano na nangyari kina Ria at Andrew after that one day? Hindi ba sila magkakatuluyan?

Sinasadya naming bitin ang chapters para abangan niyo. Hehe.

'Yun talaga ang planong ending. Emo kasi ang staff. Haha. Joke lang. :P Gusto nila realistic ang pagtatapos ng araw. Nagsisimula pa lang sina Ria at Andrew, marami pang pagdadaanan. To quote Ma'am Dian and her readings, "Only 1% of high school relationships last."

PEROOOOO...

Malalaman niyo kung ano ang nangyari kina Ria at Andrew!!!

Kailan? Saan? Paano?

Sa Chapter 10. :) Ipopost bago kami mag-goodbye (huhu). Sana'y abangan niyo rin ito gaya ng pag-aabang niyo sa ibang chapters.

Muli, maraming salamat! Ang suporta niyo sa Isang Araw at sa Ang Aninag Online ang isa sa mga dahilan kung bakit enjoy na enjoy kami bilang MC1 staff ngayong sem. Samahan niyo kami hanggang sign-off ha! :)

You Might Also Like

4 comments:

  1. Abangan nyo na lang mangyayari sa amin ni Ria.
    (muahaha, nabibitin sila :>)

    Salamat MC Staff! :D

    ReplyDelete
  2. Huy Andrew! 'wag ka muna maingay! (((:

    ReplyDelete
  3. Kailan naman lalabas si Chapter 10? :D
    Wooo MC. Good job on Isang Araw, seryoso! ^_^

    ReplyDelete
  4. Wahahaha! Naaliw ako sa BurOrange. =))

    ReplyDelete