isang araw,
Sa kwentong ito, ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
Chapter 8: MATEMATIKA
3:25 pm
Itetext ko ba siya?
Wala akong naintindihan sa mga sinabi ni Sir Magat dahil buong Social ‘yan lang ang inisip ko. Kasi, baka hindi na naman magreply. Mapahiya pa ako... pero... susi naman niya 'to e. Isasauli ko lang tsaka... basta isasauli ko lang. Bahala na nga.
To: Ria
Ria!:) Susi mo nahulog knna.
Bgay ko syo mmya? 5 din tpos
ng klase nyo dba? Lovers lane ha.
*Message sent!*
Sana magreply... sana magreply... sana magreply... sana...
"Dre! Nandun na si Ma’am! Tara na!"
"Antayin mo naman ako Alex, oy!"
Pagpasok namin sa room, saktong-sakto, babati pa lang si Ma’am. Yes.
"Magandang-magandang hapon, Molave!" sabi ni Ma’am Par. Lakas-trip na naman 'tong si Ma’am.
"Magandang-magandang hapon po, Ma’am Par." Pinatulan naman nitong mga kaklase ko. Tss.
3:34 pm
"Okay, ito naman? Paano ang graph ng equation na 'to? Any volunteer? Out-of-this-world people?" sabi ni Ma’am.
"Ma’am, anong out-of-this-world people? Anoooo?" tanong ni Zara. Nagtanong pa 'to, alam naman na daming trip ni Ma’am e.
"Out-of-this-world... mga abnormal na utak. Magagaling. Alien! Mutant! Ganu'n!"
Tss. Haaaay. Tiningnan ko phone ko. Wala pa ring text si Ria. Bakit na naman ba?
3:47 pm
"Dre, bigat ng dinadala mo a? Kanina ka pa tulala diyan!” sabi ni Alex. “Bakit hawak-hawak mo ‘yung mga susi ni Ria? Hahaha.”
"Buti pa ang 222, ang bilis magreply... Buti pa ang 4438, nakakaalala..."
Hala putek. Nasabi ko nang malakas. Hala takteng 'yan.
"Hahahahah! Anong trip mo?! Baka gusto mo maging 8888! Magsorry ka naman kasi."
"Siraulo. Ano bang ginawa ko? Wala naman ah! Du'n ka na nga!" Wala naman 'kong ginawa 'di ba? Wala naman eh... Bakit ba magagalit 'yun? Bakit hindi magrereply?
Haaaaay. Ewan ko ba kung bakit pero ang sakit lang. Ang sakit lang na ganito kami. 'Yun ang hirap kasi hindi naman kami pero alam mo 'yun? 'Yung mahal mo siya tapos hindi mo alam kung mahal ka rin niya.
'Yung wala kang karapatan? Takteng 'yan, ang sakit-sakit lang. Ay puuuuu... Ano bang iniisip ko?
Napatingin na naman ako sa mga susi ni Ria. Daming keychain. Sa sobrang dami, parang mas marami pa ata sa mga susi e...
Merong I Love NY na keychain, may parang strawberry na galing ata sa Baguio. May parang sapatos na 'di ko maintindihan... Trip na trip niya talaga 'tong mga keychain.
Mayroon pang keychain na parang korteng star... Mayroon pang... Teka... Ano to? Ano 'tong keychain na 'to?
May puso... tapos sa loob may R... tapos may A! Anong ibig sabihin ng R at A? Ria-Alex? Taaaaeeee naman o... Ay baka... Ria-Andrew? Ria at Andrew 'to! Tss. Sige, ito na naman ako, umaasa na naman ako sa wala.
"Dre, may sasabihin pala ako sa'yo..." napatingin ako kay Alex. Parang medyo may pagkaseryoso ang tono niya.
"Ano na naman?"
"Tulungan mo 'ko..."
"Sa Math? Makinig ka kasi! Ano ka ba naman?!"
"Siraulo! Hindi 'yun. Tae. Patulong... May ano eh... May ipapasabi sana ako kay Grace..."
"Ay gaaaa... Bakit ako? Bakit sa akin? Doon kay Ria mo! Doon ka magpatulong..."
Teka... Teka... Kay Grace? Ano ‘yun? Bakit kay Grace?
Aha! Kaya siguro 'to laging sumasama kanila Ria... ibig sabihin... wala siyang gusto kay Ria? Tama ba ako? Puteeek! Ang sarap sa pakiramdam!
"Ria mo ka diyan, ulul. Eh 'di ba, close naman kayo nu'n ni Grace dati kaya ano. Sige na! Tsaka ano e..."
"Mr. Alex, ano ang cosine ng 90?" biglang tanong ni Ma’am sa kanya.
"Ma’am... uhm..."
"Dre, zero,” bulong ko.
"Ma’am, zero po."
"Aaah, onting bilis pa, magiging pang-out-of-this-world na ang utak mo! Mutant ka na!" Umupo na si Alex.
Si Grace pala ang gusto niya, hindi si Ria. Akala ko all this time, si Ria... Kaya pala. Ngayon naiintindihan ko na. Ang tanga ko naman... kung ganun... Ria at Andrew nga talaga siguro 'tong nasa keychain! Yes! Tama bang sasabihin ko na kay Ria? Umamin na kaya ako? Sige, sasabihin ko na kay Ria. Aaminin ko na na...
"Dre, thanks. Ilakad mo ko a! Hahaha. Makikinig na nga 'ko," sabi ni Alex. Napatango na lang ako.
Haaay pero... bakit 'di pa rin nagrereply? Kanina pa ako napapatingin sa cellphone ko pero... Hay. Bahala na.
3:56 pm
Tae. Wala pa rin. ‘Wag na lang kaya? Tss.
4:12 pm
*beep*
"Sa'yo ba 'yun, dre?" tanong ni Alex habang nakatingin sa phone niya.
"Ah... oo akin ata..." Si Ria na kaya 'to... Si...nooo... 'to...?
*1 message received*
From: Zara
Oy, pwet ka. Hahah. :))
Kanina ka pa tingin ng tingin s
phone mo ah, haha!XD La lang..
Takte talaga 'tong pwet na 'to. Panira... Tumingin ako kay Zara. Nandun siya sa kabilang dulo ng room, natatawa pa ata. Hindi tumitingin sa akin, pero nakikita ko na pinipigilan niya 'yung tawa niya.
To: Zara
Siraulo ka, mahuli ka sna
ni mam. Wag k nga mgtxt
muna, tae ka..
*Message Sent!*
4:33 pm
Tingin ako nang tingin sa phone ko... Hay. Wala na talaga... Ayaw ko na nga. 'Di ko na nga titignan phone ko. Mukhang hindi magtetext naman e... Ayaw ko na nga mag-....
*beep*
Tinignan ko kaagad cellphone ko. Ay putek, hindi sa akin. Na-excite naman ako masyado. Hay nako. Asa pa ako. Bakit ganito? Bakit ‘pag mahal mo ang tao eh kaya mong maghintay kahit ilang oras? Hay buhay. Ayoko na talagang umamin. Ayoko na...
"Dre, cellphone mo 'yun. Oy 'Lex..." sabi ko kay Alex.
"Hayaan na," sabi niya.
4:46 pm
*beep*
"Alex... phone mo... ano ba..."
"'Di akin 'yun ano ba..." sabi ni Alex. Ha... Akin... akin ata... Tinignan ko naman cellphone ko...
*1 message received*
Hala akin nga! Sino 'to...
From: Ria
Ay, nasayo pala? Haha.
Yey. Tnx. Cge, balik mo mmya.
Klngan ko 'yan e. Bilisan mo ah.
Tae, yes! Makakapag-usap kami kahit sandali mamaya... Aamin na ako! Aamin na talaga ako... Nagreply na siya. Aamin na ko mamaya.
4:57 pm
"Okay, class... Homework?" tanong ni Ma’am.
"Hala, Maaaaaaaammmmmm!!!!" sigaw ng mga kaklase ko.
"Hahaha. Babushka, Molave!" Lakas-trip naman nito.
"Babushka, Ma’am? Hahahaha!"
Labas naman sila agad sa room. Lumabas na rin ako. Nagmamadali ako...
"Dre, sabay tayo!" sigaw ni Alex.
"Mauna ka na magtraining! May pupuntahan pa 'ko!"
Iniwanan ko siya, tumakbo ako papuntang Lover's Lane. Aamin na talaga ako kay Ria ngayon. Ngayon na siguro ang tamang panahon. Ngayon na.
Pagdating ko sa Lover's Lane, nandoon na siya. Nakaupo. Walang kasama. Sakto, tama ang timing. Ito na...
-- ITUTULOY --
Literary: Isang Araw (Chapter 8)
Ang kwentong ito ay ipinasa ng staff ng Media Center 1 2012 bilang kanilang creative writing project para sa unang semestre. Sama-sama nila itong binuo, sinulat, at pinaghirapan.Sa kwentong ito, ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.

CLIFFHANGER!!!!!!!!! Nakaka-excite!
ReplyDeleteRia-Andrew! :"> Kabitin!
ReplyDeleteKelan Chapter 9????? :)))))))))))))))
ReplyDeleteAndrew <3 Ria :""">
ReplyDeleteAndrew, 'wag ka na magtrain. I-date mo na si Ria sa McDo. Compensation fee sa pagkuha ng susi niya >:)))) =))))) XDXDXD
NATAWA NAMAN AKO MC! PARANG KILALA KO SI MA'AM PAR A? =)))))))))))
-mutant E :)))
hanep tooo. chapter9 na na agad!!
ReplyDeleteANG CUTE :-bd Kilig much! Chapter 9 naaaaaaa! =))
ReplyDeleteBITIN >:p kinilig ako shet. :""> NAKAKARELATEEEE.
ReplyDelete