5-day schedule,
ni Jomil Gutierrez
(unang inilathala sa Forum, Hulyo 2011)
Ngayong pumasok na ang pang-akademikong taong 2011-2012, maraming pagbabago ang sumalubong sa mga estudyante. Bukod sa bagong administrasyon ay nagbago rin ang iskedyul ng mga mag-aaral – mula sa apat na araw na pasok ay naging limang araw ito.
Nagsagawa ng sarbey sa mga magulang at estudyante noong nakaraang taon ang Office of Research, Development, and Publications (ORDP) upang malaman ang kanilang saloobin tungkol sa 4-day schedule. Sa nabanggit na sarbey, mas pabor ang respondents sa apat na araw na pasok. Ngunit lumabas din sa sarbey ang ilang concerns ng mga magulang- kulang ang oras para sa mga co-curriculars at extra curricular activities, pananaliksik, make-ups sa iba’t ibang sabjek, at konsultasyon sa guro.
Bunga nito, nagkaroon ng proposisyon na magkaroon ng limang araw na pasok. Nilalayon ng panukalang ito na mapagaan ang iskedyul ng mga estudyante sa araw-araw. Sa pagbabalik na ito ng 5-day schedule, higit na magiging maaga ang uwian ng mga mag-aaral. Ang proposisyong ito ay sinang-ayunan naman ng kaguruan sa nakaraang faculty meeting na ginanap noong Hunyo 2, 2011.
Nang pormal na magbukas ang klase noong ika-14 ng Hunyo, naranasan ng mga estudyante ang epekto ng pagbabalik ng limang araw na pasok. Una, tila hindi naging patas ang distribusyon ng iskedyul. May mga seksyon na marami na ngang vacant time, higit pang maagang umuuwi kaysa sa kani-kanilang batchmates. Ikalawa, umaabot pa rin ng 5:00 ng hapon ang uwian ng karamihan sa mga mag-aaral ng Grado 7-10. Ikatlo, hindi rin naman makapagkonsulta ang karamihan sa mga estudyante dahil mangilan-ngilan lamang ang mga gurong pumapasok sa araw ng Lunes. Ikaapat, may mga estudyanteng kailangang pumasok ng Lunes dahil sa kanilang isang oras na klase. Sa halip na maging produktibo ang araw ng Lunes, naging araw ito ng pahinga sa mga estudyanteng higit pang marami ang vacant time kaysa oras na ipinapasok sa klase.
Hindi kinukuwestiyon ng mga estudyante ang desisyon ng eskwelahan sa pagbabalik ng 5-day schedule. Nirerespeto ng mga estudyante ang desisyong ito ng administrasyon. Sa katunayan, mabuti ang hangarin ng eskwelahan sa pagbabago ng ng iskedyul.
Ang malaking tanong nga lamang sa bahagi ng mga mag-aaral ay kung naisakatuparan ba ng bagong iskedyul ang layunin ng administrasyon?
Kung hindi rin lang magiging epektibo ang paglalagay ng mga electives at pang-isang oras na klase sa araw ng Lunes, mas mainam siguro kung ibalik na lang ang nakasanayang 4-day schedule o kaya’y higit na mabuti kung ipatupad ang dating 5-day schedule scheme.
Limang Araw na Naman
Guhit ni Jemima Yabes |

Agree!! (Testing) :P
ReplyDelete