faber castell 0.7,

Literary (Submission): Hatid

8/21/2014 08:22:00 PM Media Center 1 Comments


Umuulan noon nang malakas
At hinintay mong ito’y lumipas
Nang aking marinig na wala kang sundo
Isang pagkakataon ang biglang nabuo!

Nanginginig at di mapakali sa pagkakaupo
Di na maintindihan ang nararamdaman ko
Isip ay gulong-gulo’t litong-lito
Natotorpe na naman ako!

Ihahatid ba kita?
Na tayo lang dalawa?
Wala tayong ibang kasama?
Ikaw at ako lang wala nang iba?

Kamuntik ko na namang palagpasin
Ang pagkakataong minsan lang dumating sa akin
Ngunit salamat sa aking mga mapambuyong kaibigan
Na ako’y paulit-ulit na sinabihan at di sinukuan.

Nagmamadaling isinuot ang sapatos at sintas ay binuhol
At agad na ikaw ay hinabol.
Nanginginig pa ang kamay na humawak sa iyong payong
At sinamahan kang maglakad sa mahinang pagpatak ng ambon.

Sabi mo hindi naman kailangan
Pero akin pa ring ipinagpilitan
Makasama ka lang at makakwentuhan
Kahit hanggang sa sakayan lamang

Hindi pinalipas ang bawat sandali
Humingi ng tawad sa mga nagawang mali
At kinuwento ang lahat na pwedeng mapag-usapan
Masulit lang ang bawat metrong nilalakaran

Pinatawad mo naman ako
Kaya salamat dahil sobrang napasaya mo ako
Sulit na sulit ang araw ko
Nang dahil lamang sa paghatid sa‘yo

Maikli man ang oras na tayo’y magkasama
Sapat na ito at ako’y kuntento na
Hangad ko lang na sana’y ikaw ri’y naging masaya
At sa mga oras na iyo’y aking napaligaya!

You Might Also Like

1 comment: