lapis,

Literary (Submission): Mongol No. 2 / Lapis Problems

8/21/2014 07:54:00 PM Media Center 1 Comments



Huling klase na para sa araw na iyon
Naalala ko ang isang kaibigan
Na sa araw ng Sabado
Sa isang pagsubok makikipagsagupaan

Ang nasabing pagsubok
Ay sukatan ng talino
UPCAT!
Nakapananakit ng ulo

Sa tulong ng mga kaibigan
May maihahandog ng munting regalo
Lapis na magdadala ng swerte
Nang sa UPCAT ay di mailto

Isang munting lapis
Na alay para sa kanya
Ay galing sa puso
Kahit gamit na

Matagal tagal ding hinanap
Sa wakas nagpakita ka rin
Sa balak na pagkausap
Di malaman ang gagawin

Akoy labis na kinakabahan
Sa pagbigay ng lapis
Nanginginig ang buong katawan
Kaya nagbabalak ng pagalis

Sumagi sa aking isipan
Ako ba’y isang duwag?
Sayang naman.
Sa pagkakataong iyon dumating ang liwanag

Sa kanyang pagpasok at pagupo
Ay agad akong tumayo
Lumapit ng may ngiti
Hello po ang aking bati

Inialay ko na ang munting regalo
Nang walang pagaalinlangan
Sinabi ko
Good luck! Alam kong kaya mo yan.


UPCAT na nga pala!
Dalawang araw na lang
Pero ang lapis ko ngayon
Iisa pa lang

Pa'no kung masira
Ang nag-iisang lapis ko?
Pano na 'yan?
Mukhang babagsak pa yata ako.

UPCAT na nga pala!
Hala! Bukas na 'yon!
Iisang lapis pa rin
Ang hawak ko ngayon

Dumating siya
Kasama ang barkada
Nag-abot ng lapis
May kasamang note pa

UPCAT na nga pala!
Ako'y nanginginig sa kaba
Pero bakit pa?
Ngayong lapis ko ay dalawa na

Alin ang uunahin
Sa dalawang ibinigay?
Ang unang iniabot
O ang kahapon lang inialay?

Inilabas ang lapis
Na ibinigay kahapon lang
Ang isa nama'y
Mamaya na lamang

Talagang wala ng oras
Para magpalit pa ng lapis
Hindi kakayanin
Kahit ano pang pagpipilit.

Sana'y di magalit
Ang nagbigay ng una
At magbigay naman ng swerte
Ang lapis ng ikalawa.

You Might Also Like

1 comment: