feature,
Madalas marinig ang YOLO sa mga estudyante ng UPIS. Ilang halimbawa ay “Hindi ako nag-review sa Unit Test sa PA. YOLO!” at “Hindi ko pa napapasa Formal Theme ko sa English. Bahala na. YOLO.” Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng YOLO?
You only live once. O kung mas sosyal ka at gusto mong maiba, maari itong maihalintulad sa Carpe diem o seize the day. Ang kasabihang ito ay madalas ginagamit ng tao bilang isang palatandaang dapat ang buhay mo’y araw-araw at oras-oras na ginagamit sa makabuluhang bagay. At kapag ika’y tumanda na at nagbalik-tanaw, magkakaroon ka ng fulfillment sa sarili mo dahil alam mong nasulit mo ang iyong buhay. Yan ang tunay na YOLO.
Ngunit bakit parang iba ang kahulugan nito, lalo na sa mga teenager. Marami ang naniniwala na ang YOLO ay isang lehitimong excuse upang gumawa ng kung ano-anong kalokohan. Madalas itong napapansin tuwing nagpaparty ang mga tao imbes na tinatapos ang kanilang projects. O di kaya ay pumupunta o gumagala sa ibang lugar upang malayo sa responsibilidad. O di kaya ay ang hindi pagseseryoso sa pag-aaral, gaya ng ginagawa ng ilan. Ginagamit nila ang YOLO para hindi sila ma-guilty sa ginagawa nila. Ngunit sulit ba talaga?
Kung gusto mo talagang masulit ang iyong buhay, simulan mo ngayon sa iyong pag-aaral. Seryosong pag-aaral. ‘Wag kang magpadala sa kung ano-anong distractions na makakahadlang sa iyong focus. Unti-unti mong dagdagan ang oras ng pag-aaral sa bahay. Patunayan mong karapat-dapat ka sa slot na nakuha mo at ipinagkaloob sa’yo. H’wag mo ring kalimutang lumabas sa iyong comfort zone paminsan-minsan. Mag-set ng goals at deadlines para sa mga ito. Paligiran ang iyong sarili ng mga taong minamahal ka at gumawa ng maraming memories kasama sila. At higit sa lahat, i-enjoy ang rollercoaster ride ng buhay na ito. Tandaan, you only get to live it once. / ni Wren Breva
Feature: YOLO pa ba?
Palagi ka bang nangangamba kapag binabalik na sa’yo ang resulta ng iyong quiz sa Geom? Yung tipong di ka mapakali dahil malamang ay sabit ka lang. O ang mas malala, bagsak ka. Pero dahil karamihan naman sa klase niyo ay alanganin gaya mo, okay lang. YOLO naman e.Madalas marinig ang YOLO sa mga estudyante ng UPIS. Ilang halimbawa ay “Hindi ako nag-review sa Unit Test sa PA. YOLO!” at “Hindi ko pa napapasa Formal Theme ko sa English. Bahala na. YOLO.” Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng YOLO?

0 comments: