3-10,

Taunang Leadership Camp, isinagawa

7/18/2012 08:08:00 PM Media Center 0 Comments

Idinaos ang Leadership Camp (LC) 2012 noong Hulyo 13-14 sa UPIS 7-10 grounds.

Ang LC ngayong taon na sinalihan ng 147 mag-aaral mula Grado 3-10 ay pinamagatang “KATALISKO: Pagtatakda ng Bagong Pamantayan at Tradisyon ng mga Dekalidad na Lider-Isko”. Naglalayon itong mahubog ang kasanayan sa pamumuno ng mga mag-aaral ng UPIS.

Nagsimula ang opening program sa ganap na ika-5 ng hapon noong Biyernes. Tampok dito ang paunang salita ni Dr. Ronaldo San Jose, prinsipal, at ang kaniyang pagbati sa lahat ng mga kalahok.

Nagsama-sama ang mga lider-isko ng UPIS 3-10
sa Katalisko noong Hulyo 13-14. (c) Raiven Busi
Sinundan naman ito ng mga talk mula kina Bb. Sheila Fernandez at Dr. Anothony Cordero na nag-pokus sa responsibilidad ng mga pinuno at pagiging mapanuri ng mga UPIS leaders.

Maliban sa mga talks, nagkaroon rin ng mga work session na binuo ng apat na bahagi – Huwarang Lider, Project Proposal, Minutes Taking and Financial Report, Outreach Program, at Disciplinary Measures—upang maihanda ang mga lider-isko sa kanilang mga responsibilidad sa paaralan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga hands-on na trabaho.

Nagkaroon din dalawang team building activities - ang “Katagisan” kung saan sinubok ang kakayahan nila magplano at ang “Katalisador” na isang alternative application ng mga natutunan ng mga kasali sa buong camp.

Matapos ito, nagkaroon ng awarding kung saan binigyan ng gantimpala ang mga mag-aaral at pangkat na nagpakita ng husay sa iba’t ibang aktibidad. Ilan sa mga parangal ay ang Best Group Presentation, Bibo award at ang Early Bird award.

Inilahad ni G. Gringo Corpuz, Tagapayo ng Kamag-Aral 7-10, ang taos pusong pasasalamat ng buong pamunuan sa aktibong partisipasyon ng bawat kalahok. ● nina Shari Oliquino at Paolo Aljibe

You Might Also Like

0 comments: