3-10,

Pagpapatayo sa bagong UPIS 7-10 building, matatapos na

3/26/2013 08:29:00 PM Media Center 0 Comments

Sa darating na pasukan, inaasahan na ang paglipat ng UPIS 7-10 sa bago nitong gusali na matatagpuan sa dating lugar ng Narra Residence Hall sa loob ng UP campus.

Ngayong Marso matatapos ang pagpipintura sa bawat kuwarto at paglalagay ng ilang mga kagamitan dito. Dagdag ni Prop. Roselle J. Velasquez, Katuwang na Prinsipal Pang-akademiko, nagbigay ng kasiguraduhan ang Makati Development Corporation (MDC) na sa susunod na pasukan ay maari nang magamit ang bagong building.

Ayon kay Prop. Nancy T. Flor, Katuwang na Prinsipal Pang-administrasyon, ang bagong gusali ng UPIS 7-10 ay mahahati sa tatlong bahagi – ang academic (4-storey), administrative (2-storey), at PA building (1 storey).

Ang 4-storey na academic building ay kakikitaan ng apat (4) na kuwarto para sa departamento ng Agham – naririto ang mga laboratoryo at lecture rooms. Maglalaan din ng mga bagong kuwarto para sa Speech, Art, at Computer Science na kakikitaanang iba’t ibang mga kagamitan na kinakailangan sa bawat asignaturang nabanggit.

Noon pang 2010 sinimulan ang pagbuo sa bagong gusali ng 7-10 at pagsasaayos sa gusali ng UPIS 3-6. ● Reagene Fernando, Shari Oliquino

You Might Also Like

0 comments: