filipino,
Grade
10, First day ng MC
Class
Literary: Dear MC
Dear
MC,
2015
Grade 9, Guidance time
Grade 9, Guidance time
Dumating ang araw na pinapunta ang aming
grupo sa Testing Room para sa pagpili namin ng track. Kabadong-kabado ako noon,
nanlalamig ang mga kamay habang naglalakad papuntang testing room. Feeling ko
judgement day ko na. Naupo na ako at ipinaliwanag ng aming Guidance Counselor ang tatlong
tracks na meron. Sobrang nahirapan akong pumili, hindi ko talaga first choice
ang mapunta sa HUMSS. Sa pagkakaalala ko’y naging huli ito sa aking listahan.
First Impression ko sa MC:
Kapag sinabing taga- MC matatalino,
magagaling magsulat. Maraming sinusulat.
”Sabi ko sa sarili ko “Hala! Formal theme
nga lang sinusulat ko eh.”
“Kaya ko ba ‘to?”
“Bahala na.”
“Kaya ko ba ‘to?”
“Bahala na.”
First day na first day ng Peryodismo,
pinasulat kami agad ng autobiography. Diagnostic Test. Ito naman ako bida-bida
magsulat, napakahaba ng sinulat ko, naka-uwi na lahat, ako nagsusulat pa
rin. Pero syempre dahil lang din siguro ‘yun sa hindi naman talaga ako sanay magsulat. Isinaisip ko mula noon na mamahalin ko ‘tong
pinili ko at papatunayan kong may talento ako sa pagsulat.
First
Pub bilang MC 2018
Sa aking pagkakatanda, ang unang lit na
aking naisulat at napub ay “Move on? Moved On.” Sobrang gulo ko pa magsulat
noon, daming plot twist ng lit na ‘yan pero salamat sa mga nag- edit ng lit ko. BTW kung gusto niyong
mabasa yung lit ko na ‘yon, I’ll put the link down below. Pampadagdag views din ‘yun.
Dumaan ang napakaraming pubs, may mga pagkakataong
hindi napupub ang aking gawa at talagang iniiyakan ko ang mga ganoong
pangyayari.
OFFICIAL
MC 2018
It’s official! Kami na! Kami na ang magpapatakbo ng buong MC, may iba’t ibang sections at may sarili pang
opisina, Room 115 nga pala.
Polarlight
Ipinamulat sa akin ng MC na ang dating
“Kaya ko ba ‘to?” na tumatakbo sa aking isipan ay napalitan na ng “Kaya ko at Kinaya ko.”
Nabuo rin sa MC ang isang (pen name) na puro
Filipino lits ang isinusulat na laging patungkol sa puot at sakit na
nararamdaman.
Media
Center
Pinatunayan ng MC sa akin na hangga’t may
pinagdaraanan at nararamdaman ay may maisusulat ka. Mayroon at mayroon kang
mapipiga sa utak mo, at pati ang mga simpleng bagay ay mapapalawak mo pa upang
makabuo ng iba’t ibang kahulugan.
Sa loob ng halos tatlong taong pagsusulat ng
lits at articles pati na rin ng
pag-iisip ng theme, hashtags, topics ng articles (lalo na sa feature), tagline,
at pag-edit ng mga sinulat.
Sa mga dumaang taon, hindi lang isang
matibay at matatag na klase ang nabuo kundi isang pamilya na mananatili at nakatatak sa aking
puso’t isipan.
Maraming salamat MC.
Natututo akong mahalin ang pagsusulat.
Binago mo ang pangarap ko at minulat mo ako sa panibagong landas na aking
tatahakin.
Ang maging parte ng Media Center ay isang
malaking opurtunidad at nagpatuklas sa amin na kaya pala naming lumikha ng obra
mula sa mga salita at letra.
Hanggang sa muli MC.
Polarlight
Signing off.
0 comments: