faber castell 0.7,
PAPEL
Nagsimula sa isang blangkong espasyo,
Nag-iisip, ideya’y binubuo
Sa utak lang muna papatakbuhin,
Ang lahat ng ninanais sambitin
LAPIS
Sinisimulan ang paglikha,
Unti-unting binubuo ang obra,
Hinahayaang natural na dumaloy ang ideya
Walang takot na magkamali o umulit muli sa simula
PAMBURA
Lumalabas na ang pagkakamali,
‘Di maikubli, di maitatanggi
Nagkakamali man ay hindi pa huli ang lahat,
Maaring burahin at muling ipagpatuloy ang pagsulat
BOLPEN
Matapos ang ilang pagkakamali,
Sigurado na ngayon ang lahat sa pagpili,
Ng mga salitang babagay at aakma
Para sa isang tulang mag-iiwan ng marka.
At
Ngayong narating na ang huling saknong,
Mag-iiwan sa inyo ng tanong.
Matapos ang ilang taon,
Ang matagal na ginugol na panahon,
Sa pagsulat, pagbuo ng kwento,
“Maalala niyo pa kaya ako, sa mga bakas ng likha ko?”
Literary: Iniwang Bakas

0 comments: