filipino,

Literary: Huling Tula

1/25/2018 08:50:00 PM Media Center 0 Comments




Isang pangalan ang noong nangarap
Isang pangalan ang nagpursigi’t nagsumikap
Pinasok ang isang larangan nang alanganin
Pinangako sa sarili na lahat ay kakayanin.

Nag-aral kung paano magsulat ng balita
Natutunang mangalap at magpasensya
Lumigaya ang puso nang unang malathala
Ang pinagpuyatang tula

Patuloy na nagsulat at nag-ensayo
Humingi sa mga beterano ng payo
Hanggang ang kaniyang tulang “Atleta”
Nakilala’t napabilang sa tuktok ng karera

Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon
Kaniyang mga gawa ay nailathala
Matagal na kaniyang pangala’y naglaho
Hiniling na sana panandalian lang ito

Minsan nawalan na ng ganang gumawa
‘Ni hindi na ninais pang sumulat ng tula
Ngunit ito’y biglang napalitan ng sigla
Nang ang kaniyang tula’y muling naibalik sa pila

Sa matagal na panahong kaniyang hinintay
Napawi ang kaniyang mga lungkot at lumbay

At ngayon sa huling tulang isusulat
Ang pangalang Liza ang siyang huling tatatak.

You Might Also Like

0 comments: