filipino,
Tala; Talá
Naitala na’t naisatitik na
Ng aking huling bituin
Ang paghawak nitong pluma
Pagkat ang panahon ay dumating na
Upang isuko
Ang mga salita
Na bumuhay sa aking persona
Sa tuwing hawak itong pluma
Bilang isang manunulat.
Humahabi ng mga salita
Bumibigkas ng mga katagang
Hindi pa nadirinig.
O napakikinggan.
Ito na ang huling lagda
Gamit itong pluma;
Salamat, salamat.
Ito na ang huling akda
Nitong pluma
At ako ay handa na.
Handang
Magparaya,
Ng mga salita.
Kaya't sige-
Lumaya ka;
Lumaya.
Literary: Huling Lagda
Tala; Talá
Naitala na’t naisatitik na
Ng aking huling bituin
Ang paghawak nitong pluma
Pagkat ang panahon ay dumating na
Upang isuko
Ang mga salita
Na bumuhay sa aking persona
Sa tuwing hawak itong pluma
Bilang isang manunulat.
Humahabi ng mga salita
Bumibigkas ng mga katagang
Hindi pa nadirinig.
O napakikinggan.
Ito na ang huling lagda
Gamit itong pluma;
Salamat, salamat.
Ito na ang huling akda
Nitong pluma
At ako ay handa na.
Handang
Magparaya,
Ng mga salita.
Kaya't sige-
Lumaya ka;
Lumaya.
0 comments: