barcode,
Kapag nasa dulo ka na
Mararamdaman mo lahat
Ang saya, sakit, takot, pangamba, ngiti na iniwan
Ng mga taong nanatili, nang-iwan, bumalik, at pumipili sa iyo.
Kapag nasa dulo ka na
Babalik ang lahat
Ang bawat alaala, pangako, pag-amin, pagpili, mga simula na nag-iwan na
Ng mga marka, bakas, sugat, kurot, aral sa iyong puso’t damdamin.
Kapag nasa dulo ka na
Makakabisado mo ang lahat
Ang mga tula, kanta, obra maestra, litrato, lugar, pangako
Na minsang mong isinulat, inawit, iginuhit, kinuha, pinuntahan, sinambit para sa kanila
Kapag nasa dulo ka na
Magpagtatanto mo
Na mas mahirap magpaalam
Kaya mamahalin mo ang mga taong ito
Gaya nang kung paano mo pinagmamasdan ang mga tala sa gabi
Na para bang ayaw mong nakawin sila ng umagang parating
Kaya susubukan mong ulitin lahat
Gaya nang paano kang natutulog ulit
Sa pag-asang muli mong masasaksihan ang iyong mga paboritong panaginip
Kaya tatandaan mo ang mga ito
Gaya nang kung paano mong binibigkas ang iyong mga hiling sa nasa itaas
Sa tuwing sasapit ang alas-onse ng gabi
Kapag nasa dulo ka na
Pakiramdam mong may oras ka pa
Kahit na wala na talaga
Kaya kapag nasa dulo ka na
Sungkitin mo na ang lahat ng mga bituin,
Hilingin mo na ang pagiging masaya
Ubusin mo na ang mga salita,
Lubusin mo na ang pagmamahal.
At ngayong tayo'y nasa wakas na
Ang tangi kong hiling
Ay huwag sana akong kalimutan
Kahit na bukas,
Kailangan ko nang magpaalam.
Literary: Kapag Nasa Dulo Na

0 comments: