filipino,

Literary: Huling Gabi

1/25/2018 08:44:00 PM Media Center 0 Comments




Mga tuhod ay mahina na
Naghahabol na ng hininga
Hindi na makatayo
Pero tayo’y magkasama pa.

Tulad ng dati sa ating tagpuan
Magkatabi ang ating upuan
Panonoorin ang paglubog ng araw
Hanggang sa buwan ay lumitaw

Sabay nating balikan
Ang mga birong ating tinawanan
Mga taong ating pinag-awayan
Mga bagay na ating iniyakan

Masasabi kong ako ay masaya
Kahit na patapos na
Alam nating hindi tayo perpekto
Sa kabila noo’y magkasama tayo.

You Might Also Like

0 comments: