feature,

Feature: Ang D. Naquita

1/26/2018 09:03:00 PM Media Center 0 Comments






Sa loob ng anim na taon mo sa high school, marahil ay may makikilala kang isang Prof. Rowena Naquita mula sa departamento ng C.A. Filipino. Siguro’y naturuan ka na niya ng tamang paggamit ng “ng” at “nang” o kaya mga aral at nasyonalismo mula sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Marahil ay naranasan mo na rin sigurong masalanta ng #BagyongWena: ang mapagalitan sa klase dahil nakatulog ka, ang masita dahil hindi ka naka-complete uniform o dahil masyadong mahaba na buhok mo, at marami pang iba.

Ang Ma’am Wena na kilala ng mga taga-UPIS ay isang matapang na gurong hindi basta-bastang susuko kahit kanino. Ngunit sa likod ng pangalang Prof. Rowena D. Naquita na kinakatakuan ng mga estudyanteng sumosobra ang apak sa linya, ay isang Inay Wena na hindi nakikilalala ng karamihan.

Isa siyang mapagmahal na ina



Bukod pa sa mga anak niya sa loob ng classroom, may pinakamamahal na anak si Maam Wena, na nagngangalang Gwen, o para sa mga miyembro ng Media Center (MC) 2018, si Gwena! Pagkatapos ng mga meeting namin sa MC, minsan kinakamusta namin si Gwena at makikita mo talagang kumikinang ang mga mata niya sa tuwing kinukuwento niya na natututo na magbasa si Gwena o na mas marunong pa gumamit ng cellphone kaysa sa kaniya si Gwena. Napakarami niyang trabaho sa school bilang isa sa mga Learning Coordinators (LC) ng MC 2018, guro ng CA Filipino 10, guro ng Peryodismo, at dagdag pa rito ang pagiging mapagmahal na mama ni Maam, pero ginagawa niya sa buong makakaya na mapagbalanse ang lahat ng ito, alang-alang sa pagmamahal niya sa trabaho at kay Gwena.

Ipinaglalaban niya ang tama

Nakakainis talagang masita sa mga ginagawa mo, pero naisip mo ba kung bakit ka nga ba sinita? Madalas kasi, nasa mali talaga tayo at kailangang mapagsabihan para maitama.

“Nakakasindak pero nakakatuwa rin naman at the same time. Actually, minsan lang talaga ako nagkamali sa uniform pero yung minsan na yun explosive tipong halatang-halata kasi ako lang yung nakaganon! Nakakatawa kasi pag nagkakaroon ng random inspection ng uniform sa piling tao, isa ako sa mga yon hahaha! Tanggap ko naman yung pagsita sakin,” ang sagot ni Dane Jamandron, ang isa sa mga estudyanteng napagsabihan ni Ma’am Wena.

“Sa totoo lang nung nahuli ako ni Ma'am sinabi kong: Millenials na po kasi kami, ganito na po bagong pormahan hahaha. Pero na-gets ko naman na dapat sumunod sa rules. Kung complete uniform dapat 'complete' uniform” ang sagot naman ni Bryan Lina, isa rin sa mga na napagsasabihan ni Ma’am Wena tungkol sa maling uniporme.

Kapag nakita ka ni Prof. Naquita na lumalabag ng isang patakaran sa eskuwelahan, sisiguradihin niyang mapagasabihan ka niya, hindi dahil gusto ka niyang pagalitan, pero dahil gusto niyang maging ehemplo ka ng mabuting estudyante.

Kasapi sya ng #TitasOfMNL



Lingid sa kaalaman ng karamihan, isang certified #TitaofMNL rin itong si Ma’am Wena, na sinuportahan naman ni Ma’am Dian Caluag.

Ayon sa kapwa niyang Learning Coordinator (LC) at ka-squad na si Ma’am Cathy Atordido, natuto lang mag-screenshot sa phone si Maam Wena nang maturuan siya ng isa naming kaklase. Sa loob din ng anim na taon nila sa pagiging LC ng Media Center, si Ma’am Cathy ang humawak ng Blogger at Twitter ng Ang Aninag Online dahil nahihirapan si Ma’am Wena na sanayin ang sarili sa paggamit ng mga ito.

Pati sa pag-edit ng mga artikulo, kung tutuusin, mas gusto pa rin ni Maam Wena na mag-edit sa papel, pero dahil sa dami ng mga pumasok na artikulo, natuto na rin siyang gumamit ng Microsoft Word.

Pero kahit na hindi ganoon ka-techie si Ma’am Wena, lumalabas pa rin ang pagiging #TechieTita niya sa kaniyang paggamit ng Facebook stickers.



Kapag hindi na talaga alam ni Maam Wena kung paano ipaparating ang isang bagay gamit ang mga salita, stickers lang, sapat na!

May pagka-#savage din pala siya

Dahil sa angking talinong taglay niya at galing niya sa paghabi ng mga pangungusap, makakasiguro kang kapag sinagot ka niya, hindi mo maiiwasang kuwestiyunin mga life choices mo o kaya matawa na lang dahil naisahan ka ni Maam Wena.

Ito ang sinabi niya nang malaman niyang gagawan namin siya ng isang artikulo:



Minsan din, makukuha ka na lang niya sa isang tingin (o sa sunod-sunod na emoji.)



Strikto man, isa siyang mapagmahal na guro

Sa likod ng nakakatakot, matapang, at mataray na katauhang pinapakita ni Ma’am Wena, ay isang mapagmahal na guro sa mga estudyante niya.

Ayon kina Aldric de Ocampo at Keio Guzman, na mga estudyante ni Ma’am sa Peryodismo, mapagpatawad si Ma'am Wena sa mga gawain at mga deadlines. Bukod pa rito ay nagbibigay din siya ng mga bonus para sa mga gawain sa klase kahit minsan hindi kabonus-bonus, 'ika ni Roel Ramolete.

“Inaalagaan at tinuturing niya kaming parang anak niya rin. Mapa-labas man o loob ng eskuwelahan, lagi syang handang tumulong sa mga estudyante niya,” ang sabi ni Danna Sumalabe.

“Mapagmahal si Ma’am dahil totoo sya sa sinasabi nya at sa tuwing pinagsasabihan niya kami, or pinapaalalahanan, or actually kahit kapag pinapagalitan nya kami, alam kong gusto niya lang talagang matuto kami. Mapagmahal si Ma’am Wena dahil ramdam mo rin ang pagiging totoo niya sa mga sinasabi niya sayo pag proud siya sa inyo, or kapag masaya siya dahil sa kalokohan ninyo, basta sa lahat!” ang dagdag naman ni Marianne Sasing.

Si Ma’am Wena ay tulad din ng ibang mga gurong kailangan natin makilala nang mas malalim. Tulad din lang natin siya, isang taong may iba’t-ibang katangian, mga hilig, emosyon, at pagmamahal. Sadyang mayroon lang tayong hindi nakikitang anggulo ni Prof. Rowena D. Naquita na kapag lubusan nating nakilala ay makikita natin ang pagmamahal at pag-aarugang nakatago sa likod ng nakikita nating Ma’am Wena.




You Might Also Like

0 comments: