filipino,
Iyan ang mga tanong na tumatakbo sa isip ko. Hindi ko lubos na matanggap na wala ka na sa akin. Napakasakit na iwan ng minamahal mo. Napakahirap kalimutan ang lahat ng alaala, at ang panahon na pinagsamahan. Tulad na lamang ng aking matagal na paghihintay sa matamis mong “Oo”. Kung hindi dahil sa iyong “Oo,” ay hindi rin magiging TAYO. Lalong hindi ko kayang kalimutan ang ating unang anibersaryo. Ang mga kandilang hugis puso kasama ang pangalan mo’t pangalan ko. Akala ko tayo hanggang dulo. Pero nagising na lang ako’t sinabi mong mag-usap tayo.
Iyan ang iyong sinabi sa akin nang araw na iyon. Naisip kong may problema ka. Nagmadali pa ako. Nag-ayos ng sarili dahil mag-uusap tayo. Nagulat ako’t kinabahan dahil pagkakita ko sa’yo’y kasama mo siya. Hindi mo man aminin, alam ko na. Naramdaman ko na. Pagkat kung paano mo siya tignan ngayon, ganoon ka rin sa akin noon. Wala na akong nasabi. Nauna nang lumuha ang mga mata ko. Ang lahat ng iyon ay mananatili sa aking alaala. Masakit na pangyayaring tila mananatili sa aking puso.
Iyan ang tanong na bumabagabag sa isipan ko. Pero, huwag kang mag-alala. Wala akong pinagsisihan sa panahong ating pinagsamahan. Sa kabila niyon, nais kong ika’y pasalamatan sapagkat kung hindi dahil sa iyo, hindi ako magbabago. Nagising na ako sa katotohanan. Napagtanto kong ang ating pinagsamahan ay isa lamang sa maraming kuwentong walang masayang katapusan.
Iyan ang nabuo sa sa isip ko. Itinakdang di kami magsasama ng matagal. Nawala ka sa buhay ko. Pero, alam kong may darating na bago. Kaya ito ako ngayon, namumuhay nang panibago. Nagsisimula nang bagong buhay para sa sarili ko.
Literary: Moved On? Moved On.
“Ano bang nagawa ko?”
“Anong pagkukulang ko sa’yo?”
“Di pa ba sapat ang mga ginagawa ko?”
“May pagkakamali ba ako?”
Iyan ang mga tanong na tumatakbo sa isip ko. Hindi ko lubos na matanggap na wala ka na sa akin. Napakasakit na iwan ng minamahal mo. Napakahirap kalimutan ang lahat ng alaala, at ang panahon na pinagsamahan. Tulad na lamang ng aking matagal na paghihintay sa matamis mong “Oo”. Kung hindi dahil sa iyong “Oo,” ay hindi rin magiging TAYO. Lalong hindi ko kayang kalimutan ang ating unang anibersaryo. Ang mga kandilang hugis puso kasama ang pangalan mo’t pangalan ko. Akala ko tayo hanggang dulo. Pero nagising na lang ako’t sinabi mong mag-usap tayo.
“Mag-usap tayo.”
“May kailangan tayong pag-usapan.”
“Kailangan kitang makausap.”
Iyan ang iyong sinabi sa akin nang araw na iyon. Naisip kong may problema ka. Nagmadali pa ako. Nag-ayos ng sarili dahil mag-uusap tayo. Nagulat ako’t kinabahan dahil pagkakita ko sa’yo’y kasama mo siya. Hindi mo man aminin, alam ko na. Naramdaman ko na. Pagkat kung paano mo siya tignan ngayon, ganoon ka rin sa akin noon. Wala na akong nasabi. Nauna nang lumuha ang mga mata ko. Ang lahat ng iyon ay mananatili sa aking alaala. Masakit na pangyayaring tila mananatili sa aking puso.
“Bakit kailangan mo pang makipag-usap?”
“Bakit kailangang sa harap pa niya?”
“Bakit may iba na?”
“Wala na siguro akong magagawa pa.”
Iyan ang tanong na bumabagabag sa isipan ko. Pero, huwag kang mag-alala. Wala akong pinagsisihan sa panahong ating pinagsamahan. Sa kabila niyon, nais kong ika’y pasalamatan sapagkat kung hindi dahil sa iyo, hindi ako magbabago. Nagising na ako sa katotohanan. Napagtanto kong ang ating pinagsamahan ay isa lamang sa maraming kuwentong walang masayang katapusan.
“Hindi kami para sa isa’t isa.”
Iyan ang nabuo sa sa isip ko. Itinakdang di kami magsasama ng matagal. Nawala ka sa buhay ko. Pero, alam kong may darating na bago. Kaya ito ako ngayon, namumuhay nang panibago. Nagsisimula nang bagong buhay para sa sarili ko.
BAKIT KAYA MO UGH
ReplyDelete