filipino,
Nakakaasar ang iyong boses
Tuwing naririnig kita, ako’y naiinis
Malakas, mababa at nang-aasar
Ang boses mo’y tila may dinadalang yabang
Minsan ika’y nang-iinsulto
Sa pamamagitan ng pag-iingay (mo)
Sinusubukan mo pa akong mauto
At alam mo namang di iyan gumagana sa akin, di ka na natuto
Tuwing ika’y napakikinggang kumanta
Ako’y natatangay sa iyong kahanginan, napapapikit ng mata
Sana’y tigilan mo na ang pagpapasikat mo
Dahil naiirita na ako sa iyo
Bakit ba ang musika mo ay tila ingay sa akin?
Literary: Ingay at Musika
Nakakaasar ang iyong boses
Tuwing naririnig kita, ako’y naiinis
Malakas, mababa at nang-aasar
Ang boses mo’y tila may dinadalang yabang
Nakakawili ang iyong tinig
Tila hinehele ako tuwing ika’y nadidinig
Matinis, malumanay at nakakaaliw
Ang boses mo’y tila may dinadalang saya
Minsan ika’y nang-iinsulto
Sa pamamagitan ng pag-iingay (mo)
Sinusubukan mo pa akong mauto
At alam mo namang di iyan gumagana sa akin, di ka na natuto
Minsan ako’y nagpapapansin
Sa pamamagitan ng pang-aasar (ko)
Pinipilit kong ika’y pakiligin
At tumingin sa akin (nang) may damdamin,
sana’y may pag-asa pa ako
sana’y may pag-asa pa ako
Tuwing ika’y napakikinggang kumanta
Ako’y natatangay sa iyong kahanginan, napapapikit ng mata
Sana’y tigilan mo na ang pagpapasikat mo
Dahil naiirita na ako sa iyo
Tuwing ika’y napakikinggang kumanta
Ako’y nawawala sa iyong musika, napapapikit ng mata
Sana’y tumingin ka sa akin at purihin ako
Dahil nahuhumaling na ako sa iyo
Bakit ba ang musika mo ay tila ingay sa akin?
Bakit ba ang musika ko ay tila ingay sa iyo?
0 comments: