filipino,
“Oo nga pala, hindi nga pala tayo...”
Ilang taon na tayong magkakilala. Ilang taon na rin tayong magkaibigan. Ang lahat ay nagtataka, kung tayo ba’y may pagtitinginan. Isa lang ang ating sagot, “WALA!”. Paano ba naman tayo magkakaron ng ganun, eh para tayong aso’t pusa kung mag-away, lagi pa tayong nag-aasaran at lagi tayong bu-bwisitan. Tsaka para na rin kaya tayong magkapatid. Pero, hindi rin naman ako magtataka kung ganun yung nakikita nila, sa ganda kong ‘to imposibleng hindi ka mag-kakagusto sa akin. Isa ka na siguro sa pinaka maswerteng tao sa mundo dahil sa akin. Biruin mo, may best friend ka na, may alalay at secretary ka pa!
Kung anong ikina-swerte mo sa akin, iyon naman ang ikina-malas ko sayo, lalo na tuwing may girlfriend ka. Ako ang laging naga-arrange ng dates niyo, ako ang pumipili ng isusuot mo tapos ako din ang alarm clock mo para lang hindi ka ma-late. Haaay, ka-stress ka talaga! Since sinagot ka na ng nililigawan mo, “who you” nanaman ako sa’yo. Hindi mo na ako tinatawagan, hindi na tayo nagkikita, hindi na tayo nagkakausap. Aba, pabor na pabor sa akin yun ah. Walang asungot na mangungulit sa akin araw-araw at gabi-gabi. Nakaka-miss ka rin pala. Dalawang linggo na tayong hindi nagkikita ah. Teka nga, matawagan nga.
“Hello, loverboy! Buhay ka pa ba? Baka naman gusto mong magpakita sa akin.”
“Sorry ah, hindi ako pwede ngayon, may lakad kami eh.”
“Ay, ganun ba. Sige ganyan ka naman eh, kilala mo lang ako pag single ka. Bye na nga!”
“Sorry na, babawi ako next time promise!”
Ouch! Bakit ganun, ngayon ko lang ‘to nararamdaman. Parang nasaktan ako dun ah. Ano nga ba ang karapatan ko, kaibigan nga lang pala niya ako.
“Hanggang dito na lang ako…”
Simula nung araw na yun parang may nag-iba sa sistema ko. Hindi ko maintindihan. Tinamaan ba ako dun sa sinabi niya? Pero lagi naman niya yun sinasabi eh. Anyare sa akin?
Ilang gabi ako hindi nakatulog. Hindi ko pa rin maisip kung bakit parang…parang nagseselos ako. WAIT, NAGSESELOS ako?! Imposible! Umayos ka nga! Kapatid mo na yun eh! Arghhhh!! Tumigil ka!
*kring! Kring! Kring!* (Hala, tumatawag siya. Bakit ngayon pa?!)
“Hello, lonely girl pwede ka ba bukas? Libre ko tara Streat tayo! Para naman makabawi ako”
“L-l-lover boy! Nabuhay ka! Himala naalala mo ako. Sayang naman, kung kalian ka naman pwede ako naman itong may lakad (wala akong lakad pero ayaw ko siyang makita) next time na lang ha. Sige na good night may exam pa ako bukas.”
“Sige, good night”
Ano ba naman ‘tong pinagsasabi ko! Para na yata akong nasisiraan ng bait. Yun na nga yung chance para magkita kami, tapos aayaw pa ako. Ugh! Ano ba talaga ‘tong nasa isip ko. Hindi, hindi talaga. Hindi talaga ako pwedeng magkagusto sa kaniya. Kaya dapat alam ko ang limitasyon ko. Dito ka lang, friends lang kayo. Sayang friendship tandaan mo yan, Lonely girl.
“… nangangarap na mapa-sayo.”
Di ko mapigilan ang sarili ko na i-stalk ka sa twitter, IG at tumblr. Di ka naman updated sa facebook kaya wala naman akong i-stalk sa’yo dun. Buti na lang kahit papaano may hitsura ka pero sa totoo lang umay na umay na ako sa mukha mo at sa syota mo. Kaumay talaga. Sobrang saya mo talaga ngayon. Kitang-kita naman sa mukha mo eh. Sa sobrang saya mo nakalimutan mo na ako. Kung pwede ko lang kayong paghiwalayin ginawa ko na para naman mapansin mo ulit ako.
Kahit na alam kong mali ‘tong nararamdaman ko sa’yo, hindi ko naman ‘to mapipigilan eh. Andiyan na yan. Bahala na nga kung anong mangyari. Pero isa lang ang malinaw sa akin ngayon, gusto kita. Gustong-gusto. Aabangan ko na lang ang susunod na kabanata ng buhay ko.
*Inspired by Moonstar88's Migraine
Literary: Migraine*

0 comments: