agham,

Literary: Limang Pamamaraang Aghamusika

7/23/2015 08:35:00 PM Media Center 0 Comments



1. Paggawa ng Tanong

Bakit tila parang bumaba ng limang oktaba ang ating awitin?
Bakit imbis na may kasamang harmonya, ang natira na lamang ay melodiya?
Bakit parang sintunado na ang ating tono?
Bakit parang unti-unting nawawala ka na sa tono?


2. Pagbuo ng Hypotheses

Siguro ay hindi ko lang malimutan ang tugtugin natin.
Siguro hindi ko lang talaga makalimutan ang tulad mo,
Na kahit hindi mo na kayang tugtugin ang awit natin,
Pilit kong ipinaririnig at ipinaalala ang nakaraan natin.

3. Mga Hula

Hindi tugma ang himig mo sa liriko ng diwa ko.
Hindi naman sa hindi kayang pagtugmain,
Pero hindi ko lang talaga kayang ipilit ang mga salitang,
Malayong-malayo sa tono mo.

4. Eksperimentasyon

Sinubukan ko tugtuging muli ang ating kanta nang wala ka.
Sinubukan kong balikan sa isip ko ang lahat na kasama.
Subalit parang may mga tono’t liriko na talagang hindi ko masundan.
Ang pagkawala mo’y sadyang nag-iwan ng patlang.

5. Pagwawakas

Laos na ang kantang hinabi natin mula sa munting alaala.
Masyado tayong nagmadali sa pagsusulat ng isang awitin,
Tama naman ang lirika, ang tono, ang kanta, ang lahat.
Talagang mali lamang ang umaawit.

You Might Also Like

0 comments: