filipino,
Pagod na ako. Sa kasusulat, kababasa at higit sa lahat, sa kaiisip. Nakinig ako ng mga kanta sa phone ko. Shinuffle ko para random, para makalimot. Lalo na sa'yo. Pero 'di ko alam, pati ba naman ang playlist pinapaalala ka sa akin.
“...and she’s all that I see and she’s all that I need and I’m out of my league once again...”
Prom. ‘Yan yung kanta nung inaya mo akong sumayaw.Wala kang date, ako rin wala. Nag-usap tayo ng ka-echosan sa buhay. Tinanong mo kung bakit wala akong date. Gusto kong sabihing “di mo ako niyaya eh.” Nang matapos ang kanta, hiningi mo ang number ko. Ibinigay ko naman.
“Lately I’ve been, I’ve been losing sleep...”
Simula nung hiningi mo yung number ko. Madalas na tayong magka-text. Minsan nga tatawag ka pa. Kinilig naman ako. Umaabot pa nga tayo ng madaling araw. Eh 5 dapat gising na ako. Ang saya di ba! Pareho tayong walang tulog. Di bale, basta magkausap tayo sapat na ‘yun.
“It’s a yes or no or maybe?”
Niyaya mo akong manood ng sine. Libre mo. Akala ko joke lang pero nag-text ka. Nasa SM ka na pala. Jusko, nagmadali akong maligo at magbihis. Di na nga ako nakakain. Pero sulit. Kasi pagtapos nating manood, kumain tayo sa may food court. Sabi mo ang cheap pero okay lang. Lilibre mo na nga lang ako, magrereklamo pa ako. Tapos bago umuwi, tinanong mo ako kung pwede mo ba akong maging girlfriend. Pumayag naman ako. Ang bilis no!
“...it’s not a secret that I’m just a reject...”
Una tayong nagkatampuhan dahil sa CoC na yan. Umaga’t gabi CoC at army mo ang inuuna mo. Tinetext kita, di ka sumasagot. Kahit pag mag kasama tayo, kaharap mo rin ang phone mo. Sabi mo yun lang ang free time mo. Kaya di na ako umangal. Pero buti na lang nakaramdam. Buti na lang.
“...never planning one day, I’ll be losing you...”
First monthsary natin, ang jeje di ba. Binigyan mo ako ng chocolate, wala ng roses kasi mahahalata ng parents natin. Secret pa naman ang lahat. Naglalakad lang tayo. Holding hands. Kahit ganun lang, ang saya ko. Ayokong mawala ka. Sana.
“...you don’t deserve my tears...”
Eto yung masasabi kong una nating away. Lagi mo na lang hawak ang phone mo. Nakakainis na. Pinagbigyan na kita dati. Inintindi. Akala ko CoC na naman. Pero hindi. May katext kang iba. Eh baka naman groupmate. Pero nilagyan mo pa ng password yung phone mo. Nag-away tayo, umiiyak na ako. Sabi mo ang drama ko. Natatakot lang ako, kasi sa text din tayo nagsimula.
“...say ‘I love you’ but you’re not listening...”
Summer na. Syempre, araw-araw pa rin tayong magkatext. Kahit super layo natin sa isa’t isa. Minsan nganag nagkikita pa tayo nang patago. Pero isang araw di ka na nagrereply. Di ka na rin sumasagot sa tawag ko. Minessage kita sa FB, seen lang. Siguro nasa bakasyon at ineenjoy ang time bago magpasukan. Sana ganon nga lang.
“...it’s begun, the feeling of the end has come...”
Patuloy pa rin kitang tinetext. Umaasang magrereply ka, tatawag, o sasabihing “Sorry nasa province kami, walang signal.” pero wala pa rin eh. Hanggang nagpasukan na. Kaklase kita kaya imposibleng di mo ako pansinin. Pero nung tinawag kita mula sa 2nd floor at nasa ramp ka. Di mo ako pinansin. Anong ginawa ko?
“...if what we had was real, how could you be fine. ‘Cause’ I’m not fine at all...”
Pagkalabas natin sa last subject, hinila mo ako dun sa may free space sa 2nd floor. Natutuwa ako na natatakot. Hay ewan. Basta alam ko kakausapin mo ako. “Sorry,” sabi mo. “Kailangan na nating tapusin ‘to.” Nagulat ako, bigla na lang tumulo ang luha ko. Tinitignan kita pero nakayuko ka na. Tapos bigla ka na lang umalis. Inayos ko ang sarili ko tapos umuwi na ako. Saka ako umiyak ng sobra. Kinabukasan nakita kita. Nakangiti ka, mukhang normal lang. Parang wala lang sa’yo. Habang magang-maga mga mata ko.
Hindi ka man lang nagpaliwanag kung bakit. Wala akong balita sa’yo ng ilang linggo tapos…tapos na tayo bigla. Tatlong linggo nang nakalipas ng matapos ang lahat. Mukhang moved on ka na. Mukhang may bago ka na nga eh. Sana ako rin. Pero paano? Kung pati ba naman ang playlist ko pinapaalala ka sa akin. Sana ganito ka rin. Kaso, hindi.
Literary: Playlist

0 comments: