filipino,

Literary: Ngayon

7/09/2015 08:37:00 PM Media Center 0 Comments



Pagkagising ko kaninang umaga,
Tingin agad sa cellphone.
Walang text.
Walang “Good morning! :)”
Walang, “Hala nakatulog ako, sooorry. :(”
Eh missed call kaya?
Wala rin.
Katamad bumangon.

Pagdaan ko sa sala,
Nakabukas ang radyo.
Teka.
Boses ba niya ‘yun?
Siyempre hindi.
Hindi naman siya D.J.
Ayoko nang makinig.

Pagpasok ko sa kusina,
Naamoy ko ang niluluto.
Siyempre ang paborito niya.
Ang suwerte nga naman.
Nawalan na ako ng gana.

Paglabas ko ng bahay,
Kinapa ko ang bag ko.
Naku!
Wala pala akong payong.
Hiniram nga pala niya.
Malamang ‘di na niya ibabalik pa.
Sakto!
Umulan pa.

Ngayong wala ka na,
Bawat araw’y kay hirap harapin.
Lahat ng simula’y tila mabilis natatapos din.
Naghihintay sa panahong,
Pagkakamali ko’y simulang ayusin.

You Might Also Like

0 comments: