faber castell 0.7,

Literary: MusIkaw

7/23/2015 08:30:00 PM Media Center 0 Comments



Sa bawat nota,
Aking naaalala noong una kitang makilala,
Kung paano ang lahat ay nagsimula,
Nagsimulang magkakulay at tila gumanda.

Sa bawat himig,
Naaalala ko ang una nating pag-ibig,
Kung saan tuwing makikita kita ay nakakakilig,
At sa tuwing kasama kita, tila tumitigil ang buong daigdig.

Sa bawat musika,
Naaalala ko na lagi tayong magkasama,
Sa hirap man o sa ginhawa,
Ikaw at ako, wala nang iba pa.

Ngunit, sa bawat chorus ng kanta,
Naaalala ko kung paanong lahat ay nag-iba,
Kung paano ka biglang nanlamig at nagsawa,
Nang hindi ko man lang alam kung anong mali ang aking nagawa.

Sa bawat linya ng awit,
Naaalala ko ang pait,
Ang lahat ng hinaing at sakit,
Nang ika’y makahanap ng kapalit.

At sa bawat pagtatapos ng kanta,
Naaalala kong ako ay dapat na maging masaya ,
Ang kailangan lang ay imulat ang aking mata,
Sa mga taong nandyan lang para tulungan akong muling magsimula.

You Might Also Like

0 comments: