filipino,

Literary: Masaya*

7/23/2015 08:45:00 PM Media Center 0 Comments



"Ayaw lumingon pagkatapos kumaway.”

Hinihintay kitang lumingon tulad ng dati mong ginawa. Akala ko babalik ka at sasabihin mo na mahal mo pa rin ako. Akala ko yayakapin mo uli ako mula sa aking likuran. Akala ko manghihingi ka pa ng isa pang tsansa na handang handa naman ako ibigay muli. Akala ko magiging tayo muli. Akala ko magkakaroon pa ng isang bagong kabanata sa kwento natin. Ngunit akala ko lang pala iyon. Ito na nga ata ang wakas.

“Ayaw pumikit. Patay-sindi ang ilaw.”

Ayoko na, hindi ko na kaya.” Iyan ang mga salitang tumatakbo sa loob ng isipan ko. Sumisikip ang dibdib ko animo’y binabara ang paghinga ko. Unti-unti na kong binabalot ng depresyon. Hindi na ko makagalaw. Sinusubukan kong tumawag ng tulong ngunit. Wala. Mag-isa nalang ako. Mag-isa nalang ako. “Ako” nalang at hindi na “tayo”.

“Hindi ka na ba masaya?”
“Ano ba kasi ang nangyari?”

Naalala mo pa ba noong nakaraang buwan? Iyon ang isa sa pinakamasasayang araw ng buhay ko. Napakasaya ko noon dahil iyon ang unang anibersayo natin. Ngunit parang ang bilis naman maglaho ng pag-ibig mo. Dahil habang tanaw ko pa ang pag-alis mo, nakita na kitang may kasamang babae at hindi ako. Teka, ang bilis mo naman ako palitan? Animo’y nagpalit lamang ng damit. Ganoon ka na ba talaga ka-sawa sa akin?

Kahit nasaktan na ako, sana masaya ka na.

*Inspired by Masaya by Frances Feranil

You Might Also Like

0 comments: