filipino,
Literary: Sinimulan at Tinapos
Aminin ko man o hindi,
Ikaw ang una kong kuwento.
Sa iyong mga unang tingin, sulyap at ngiti,
Nabuo ang banghay ng istorya ko.
At ikaw ang unang kabanata ng buhay ko.
Inaasahan ko man o hindi,
Ikaw ang imahe sa tulang isinusulat ko.
Sa bawat taludtod at saknong,
Mukha at kilos mo ang larawang-diwang nabuo ko.
At ikaw ang tulang binibigkas ng bibig ko.
Subalit sa kagustuhan man o hindi,
Ikaw ang unang trahedya ko.
Sa una mong pag-alis at muling pagbabalik,
At hanggang ngayo’y iniluluha ko ang huli mong paglayo.
At ikaw pinakamalaungkot na naganap sa buhay ko.
Pinilit ko namang ipagpatuloy ang pagkatha,
Ikaw ang nagpasyang tapusin na.
Ang bawat simula’y nauuwi sa pagtatapos.
Ang bawat kabanata’y nauuwi lamang sa trahedya.
At ang sulatin ko’y hindi na maitutuloy pa.
0 comments: