beast,
Nagmumula ang lahat sa simula. Ang pagsisimula ng bagong buhay, ng bagong pag-ibig, ng bagong paniniwala, ay pagsisimula ng isang pagbabago. Lahat ng tao’y may kakahayang magbago. Lahat tayo’y binibigyan ng pagkakataong magbago. At ang lahat ng ito’y naaayon sa ating kagustuhang baguhin ang sarili sa ikabubuti natin at ng iba.
Kung gugustuhin nating maging mabuting tao, bakit hindi? Wala tayong dapat ikahiya, sapagkat tayo’y hindi naging pabigat sa ating lipunan. Kung nais nating magbigay-saya sa kapwa natin, bakit hindi? Kung ito ang kailangan ng bayang nalulugmok sa kalungkutan.
Kung gugustuhin nating maging mabuting ehemplo sa ating kapwa bilang instrumento ng pagbabago, bakit hindi? Walang mawawala sa atin at sa halip, tayo’y nakapag-ambag sa kagalingan ng iba. Ang masayang buhay ay yaong buhay na nagsimula sa kasiyahang pansarili, nagbabahagi ng kaligayahan sa iba, hanggang sa makapagpasimula ng isang pagbabago. Kaya naman hanggat maaga pa, simulan na natin ang mga pagbabagong nais natin sa ating sarili, kapwa, at lipunan.
Ang pagbabago ay isang hamon, isang pakikipaglaban sa sarili. Mahirap baguhin ang isang bagay na nakasanayan na. Mahirap baguhin ang isang sistemang komportable ka na. Kaya naman isa itong panawagan sa lahat ng kapwa ko kabataan. Ang laban natin ay hindi laban kontra sa pananalapi. Ang laban natin ngayon ay tungo sa isang malaking pagbabago.
Magkaisa tayo, hubugin natin ang bagong tayo, ang bagong kabataang Pilipino!
Literary: Simula ng Pagbabago

0 comments: