filipino,
Literary: Relate ba, Gurl?
1. Una, kapag nagkakasalubong kayo ni crush sa corridor: May palingon-lingon kang nalalaman, kunwari may sinusulyapan ka pang iba sabay biglang tingin kay crush. Eh biglang lumingon. (!!! ❤ ❤ ❤ !!!) Kilig na kilig ka naman. O ‘di kaya habang bumibili sa canteen sa harap ni Allan sabay niyong sasabihin “Isa ngang turon.” Bigla na lang kayong mapapatingin sa isa’t isa at ngingiti. Oh ‘di ba parang sa commercial lang ng Jollibee na “Vow”! Pa-upsize n’yo na rin kaya ‘yung langka sa loob ng turon.
2. Pangalawa, sa uwian, aba! Napakagaling nga naman ng tadhana at talagang pinagtagpo na naman kayo. Pabalik siya mula kay Kuya sweet corn at ikaw naman lalabas na may dalang sweet corn din. Agad-agad mo namang napansin na magkapareho kayo ng size ng pagkain, ‘yun bang worth 20 pesos na tadtad ng powdered cheese at margarine. Aminin, kilig na kilig ka na niyan.
3. Pangatlo. Sa hindi inaakalang panahon, kasagsagan ng gabing tadtad ka sa requirements at hagardo versoza ka na. May bigla – biglang nagnotif sa’yo. Isang friend request galing kay crush na may kasamang chat na “hello”, at dahil si crush ang nag-chat ang bilis mong iseen… pero kapag mga kaklase at mga group chat para sa projects ‘di mo man lang mabuksan. Pinalitan mo na rin agad ‘yung emoji at nickname ninyong dalawa.
4. Pang-apat. ‘Yung eksenang nagpalit ka ng dp sa FB. Syempre nag-aabang ka kung ilalike ba ni crush ‘yung dp mo. Pero pinusuan pala niya, at napatalon ka sa kilig kaya dali-dali ka sa pag-screen shot at ipinagmalaking pinusuan ka ni crush. It’s a sign! ‘Yun na ‘yun. Sige pa, assume pa na crush ka rin niya.
Relate ba gurl? Ang lakas kasi natin mag-assume eh, ayan tuloy nasasaktan. Hindi ba pwedeng nakatingin siya sa taong nasa likod mo? Pasara na ‘yung canteen at turon na lang ‘yung itinitinda nila, malamang ‘yun na lang bibilhin niyong dalawa. Eh ‘yung sweet corn, ‘yun na lang available na size kay Kuya. Sa dp mo naman, lahat pinupusuan niya o ‘di kaya napindot niya lang. Pasalamat ka ‘yun ‘yung napindot niya kaysa naman angry reacts. Kinikilig ka kaagad sa chat ‘di mo man lang hinintay, eh typing pa naman. Sabi niya “Pwedeng pa print? A4 size ha pati colored na rin.” Aba ginawa kang computer shop. Payag ka?
Marami sa ating nakakarelate dito, Nakakakilig nga, dahil sa simpleng mga galaw ni crush, ibang saya ang dala nito sa’yo. Pero sa bawat pag-asang ginagawa mo, hindi natin alam ay may iiwan itong sakit sa ating puso. Malay mo dahil sa sobrang pag-aassume mo nasasaktan mo na pala ang sarili mo dahil nabubuhay ka sa pantasyang may gusto rin si crush sa’yo. Gumising ka na sa katotohanan. At kahit ganoon man ang sitwasyon mo, tandaan mo, ‘di umiikot ang buhay mo sa kanya. Huwag ding bitter at isipin mo na lang na isa siya sa mga taong nagpasaya sa buhay mo, pero hindi lang siya ang taong magpapasaya sa’yo hanggang sa dulo. May maganda rin naman ‘tong dulot.
Pero lagi lang tatandaan na mas mabuting maghintay. Darating at darating tayo sa ganyang mga bagay. ‘Di ko rin naman sinasabing huwag na kayong magka-crush. Nais ko lang sabihin na hindi masamang magkagusto, huwag lang masyadong aasa lalo na’t wala pang kayo.
Kaya kilig fully. Assume moderately.
0 comments: